Miss A's pov "Hanna-" "Magpapahinga na ako," walang ganang sagot ni Hanna at nagpatuloy pa-akyat. Wala kang kababakasan emosyon sa mga mata nito kundi ang pagod. Alalang alala si Troy dahil hindi ganung Hanna ang kilala niya. Mas matutuwa pa siya pag sinaktan nito ang babae at nakipag-away pero hindi 'yun ang nangyari, tinignan niya lang ang mga ito na parang wala lang. Hindi yun normal. "Tang-ina talaga!" Lumabas si Troy at naabutan niya pa si Zeus na kaharap ang dalawang babae. "Sagarin mo na, Zeus. Iwan mo na at ako na ang bahala. Sisiguraduhin kong makakalimutan ka niya," mariing saad nito bago tuluyang umalis sa lugar. Kumuyom ang kamao ni Zeus sa narinig pero pinili niyang 'wag magsalita. Hinarap nito si Red at mariing tinitigan ito. "Leave now, Red." Umiling-iling si R

