Hanna's pov "Siguro gusto niyo nang bumaba dyan at harapin ako para batukan," nakangiting saad ko habang nakatingin sa langit. Maaga pa pero narito ako sa gilid ng beach at nakahiga. Wala lang nakakalma 'yung tunog ng alon. "Siguro iniisip niyo na nababaliw na ako para mag drop out sa school. Kasi naman dami rin naman akong unit na babagsak dahil sa daming absent," bulong ko. "Babalik ako sa high school para maging classmates kami ni Lesley ang best friend ko. Magiging masaya 'yun at maaayos ko pa ang grades ko. " Yup, that's my plan. Nabalitaan ko kay Lesley na balik siya sa pag-aaral. College na rin sana siya kaya lang may subject siya na walang grades kaya babalik na lang sa senior high school. I think studying here in Pangasinan is better, malayo sa mga tang-inang tao. Tumayo a

