Hanna's pov Kakatapos lang ng exam ko sa tatlong subject at narito ako ngayon sa isang coffee shop sa labas ng school. Ang ingay kasi sa loob ng school lalo na sa cafeteria, hindi nila alam mag-usap ng mahina lang. Wala rin naman akong kaibigan para maaya, dati may mga kaibigan pero nalaman ko na mga plastic lang pala, may nasasabi sila behind my back tapos pag nakaharap naman ako todo puri nila sa akin. Pag mga babae talaga ang kaibigan kailangan kilalanin dahil madalas makakatagpo ka ng mga insecure na kahit kaibigan sisiraan. Mas okay na mag-isa less stress pa. Napatingin ako kay Ann, Pamela, Iya at Rowena ang mga fake/orocan friends ko dati. Sumandal ako sa upuan ko para hintayin sila dahil alam ko naman na lalapitan nila ako at susubukan nilang sirain ang araw ko. "Oh, look who's

