LEA
Malapit na akong matapos sa pagluluto at tinulungan na ako nila ate Rosa at ate Dona na ayusin ang mesa. Sila na ang naglagay ng plato at baso.
“Tawagin mo na ang boss s***h intant bf mo.” nakangiting sabi ni ate Rosa. Ito na naman siya iba na naman ang ngiting binibigay niya sa akin kagaya kaninang tanghali.
“Ay bakit may paganun? BF? Anong ibig sabihin nun?” nakangiti rin si ate Dona sa akin siguro nagmarites na si ate Rosa sa kaniya. Mabuti na lang at wala dito si ‘nay Maria kung hindi ay kagagalitan kami nun.
“Si ate Rosa talaga kung ano sinasabi.” seryoso kong sabi sa kaniya habang naghuhugas ako ng aking kamay. Iniwan ko na lang sila habang tumatawa sa sinabi ko at tinungo na ang elevator para mabilis kong matawag ang aking amo.
Kumakatok na ako sa kaniyang pintuan pero walang sumasagot. Sinubukan kong pihitin ang seradura at bumukas ang pinto.
“Sir I already cooked your food. Sir?. kakain na po?…” tawag ko sa kaniya habang kinakatok ko parin ang pintuan. Nakasilip lang ako sa pintuan at konting siwang lang ang ginawa ko. Pero nakailang katok na ako ay wala parin sumasagot. Saktong papasok na ako ng may biglang bumukasna pintuan sa loob
.
“Aaaah.” Dahil sa gulat ko ay napasigaw ako. Hindi ko inaasahan na nasa banyo siya at naligo. Nakita ko na naman siya na nakatapis lang. Napalunok na naman ako sa aking nakita.
“What are you doing here?” tanong niya sa akin at tila nagulat din siya.
“Ahhmm I already cooked your food Sir.” sabi ko sa kaniya na nakayuko ako. Ayokong tignan ang itsura niya dahil pangalawang beses ko na itong nakita ang katawang niyang hubad. Hindi naman totally hubad dahil may tabing naman sa baba.
“Okay.” sabi niya sa akin at dali-dali akong lumabas sa kwarto niya. Muntikan pa akong mauntog sa pintuan niya dahil sa sobrang kaba ko. Nararamdaman ko din ang pamumula ng aking mukha dahil bigla na lang itong nag-init.
Naghagdan na lang akong bumaba at muntik naman ako mahulog sa pinakapuno ng hagdan.
“Oh bakit parang nakakita ka ng multo?” tanong sa akin ni ate Rosa na naabutan ko na naglalagay narin ng ulam sa mesa.
“Huh, ano ate aaahmm, wala muntik lang po ako nahulog sa hagdan kaya natakot po ako.” pagdadahilan ko sa kaniya pero totoo din naman na natakot ako dahil muntik din naman ako mahulog kanina.
Pumunta muna ako sa kusina sa likod at uminom ng tubig. Bigla akong nauhaw sa pagkagulat at sa pagmamadali kong bumaba kanina sa may hagdan. Ilang minuto pa akong nakatayo dun ay nagulat na naman ako dahil sa tunog aking cellphone.
“Ano ba yan magugulatin na yata ako ngayon.” Hindi ko maiwasan na magulat sa mga nangyayari ngayon. Juice colored dalawang araw pa lang ako rito pero parang ang tagal-tagal ko na dito.
“He-” naputol ang paghello ko dahil nagsalita na ang kurimao.
“Where are you? Lets eat.” sabi niya sa akin.
“Uminom lang po ako ng tubig.” sabi ko sa kaniya bahala siya kung hindi niya naintindihan.
“Okay, hurry up I’m already starving.” sabi niya at paki ko hindi ko naman kasi dala ang kaldero nakaluto na nga ako kailangan pa niyang kasama ako sa pagkain. Hmmp daming arte.
Pumasok na ako sa loob at naghihintay nga siya akin sa hapagkainan. Hindi ko alam kung bakit kailangan talagang kasama niya ako sa pagkain. Hindi muna ako umupo at pinakiramdaman ko lang siya dahil tutok na tutok siya sa kaniyang cellphone.
“Just seat down.” sabi niya sa akin na hindi parin niya ako tinitignan. Na curious tuloy ako kung ano ang tinitignan niya at ngumingiti pa siya.
“So tell me about yourself.” tanong niya sa akin habang kumukuha siya ng pagkain niya.
Ay interview ulit? Sabi ko sa aking sarili at tumikhim muna ako bago ko sinagot ang tanong niya sa akin.
“hmm, I’m a fresh graduate of BS Education Sir, but unfortunately I chose to be a Domestic Helper to help my family to our financial problems. I have two sibling that are currently studying and I need to help my parents to support my two sibling.
“Why you did not apply as a teacher if you already finish your degree.” tanong niya sa akin.
“My friends and I tried to apply but we have to wait for our line up and it will take months or almost a year before we could accept. And I can’t wait that for too long because of my siblings. My brother is grade 11 this coming school year and my sister is Grade 8 also this coming school year. I need to save for their tuition fee’s especially for my brother because grade 11 and grade 12 is preparation for college and I think it will also be expensive because of the strand that he take. “ mahabang paliwanag ko sa kaniya habang kumakain kami.
“So why did you apply being a maid?”
“Sir this is the easiest way to get a job. Sometimes they do not require having an experience unlike if I apply being a secretary or any office job they will require experience. As you know I just graduated.”
“Okay” sabi nya at natahimik na siya at ipinagpatuloy ang pagkain. Hindi ako makakain ng maayos dahil nahihiya din naman ako sa kaniya kaya konti lang ang nakain ko.
“Just eat, don’t mind me.” sabi niya sa akin pero kahit naman sabihin niya ay nakakahiya parin dahil amo ko parin siya. Tapos ang lakas pa ng kabog ng dibdib ko. Nagulat ako ng tumunog ang cellphone ko at may tumatawag sa messenger ko.
“Who is that?” tanong niya sa akin dahil tinignan ko kung sino ang tumatawag.
“Ahmm the brother of my friend Sir.”
“Why he is calling you?”
“Maybe he just wanted to know how I was doing.” saad ko sa kaniya.
“okay, don’t answer it.” at nagdilim ang kaniyang mukha. Bigla na lang siyang tumayo pagkasabi nun at umallis na siya. Niligpit ko na lang ang pinagkainan naming dalawa at nagwalis na din ako kahit wala naman dumi para maalis lang ng kaunti ang mga alikabok kung may alikabok ba.
Pagkatapos kong maghugas at magwalis ay bumalik na ako sa maids quarter. Naglinis na ako ng sarili ko at gusto ko na lang ulit matulog ulit dahil parang kulang pa ako sa tulog. Parang ngayon ko lang naramdaman ang pagod ko sa biyahe namin.
Nakahiga na ako ng bigla na naman tumunog ang cellphone ko. Gusto ko na lang ipikit ang aking mga mata at matulog pero hindi tumitigil ang pagtunog sa cellphone ko. Inis aakong bumangon para sagutin ang cellphone ko.
Pagkapindot ko sa answer button ay nagsalita na ang nasa kabilang linya.
“Are you already sleeping?” tanong ni kurimao. Wala yata siyang magawa dahil sa tuwing gusto ko ng matulog at magpahinga ay laging nauudlot ng dahil sa kaniya.
“Yes sir, do you need anything?” tanong ko sa kaniya at pinahalatang antok na antok na ako.
“No, I thought you’re talking to your boyfriend.”
“FYI sir I don’t have a boyfriend.”
“Then who is the guy that called you while we were eating?”
Ano ba talaga ito amo ko ba o tatay ko na? Kainis kaumay, sinabi ko na nga sa kaniya na kapatid siya ni Alma ano pang explanations ang gusto niya.
“I told you already that he is the brother of my friend Alma. We were close that’s why he checked my condition here. I told him that I’m fine here and my coworkers are good to me.”
Kahit maayos na ang buhay nila Alma ay pinayagan parin siyang makapunta dito dahil pwede din daw na magapply siya dito bilang isang guro.
“Okay come with me tomorrow in my office. I want you to assist me in my office. Do you have any office attire?” tanong niya sa akin.
“I don’t have sir, but maybe I can wear my casual clothes.”
Let me check, open your video call.” demand pa niya sa akin. Haist talaga naman. Napatayo na lang ako at inopen ko muna ang ilaw bago ko inopen ang video call. Hmmm gwapo sana siya pero hindi na lang at lagi niya ako binibwisit.
Ipinatong ko na lang ang cellphone ko sa side table buti na lang at may lampshade sa tabi kaya doon ko itinayo ang cellphone ko. Hindi na ako nagpaalam sa kaniya na kukunin ko ang damit ko. Nakasalansan naman na ng maayos ang mga damit ko. Yung mga damit ko na pangpasiyal ay nakahanger na. Kinuha ko ang skirt na medyo lagpas tuhod ko at mayroon din naman akong long sleeve na dalawa. Kinuha ko ang kulay puti at sakto naman dahil parang partner sila ng skirt ko. Ipinakita ko sa kaniya pero mukhang nag-isip pa ang lolo niyo.
“Do you have any slacks pants? Or jeans.”
“I don’t have slacks pants sir but I have jeans.” at inilabas ko ang skinny jeans ko. Buti na lang at nakadala ko ang black shoes ko na my two inches na takong.
“Okay that would be alright, wear that tomorrow were going to my office at 8 in the morning.”
“Okay po sir.” sabi ko na lang sa kaniya habang binabalik ko ang aking damit sa cabinet.
Pinatay na niya ang tawag at pinatay ko na lang din ang ilaw para makatulog na din ako. Sana maging maayos ang pagsama ko sa kaniya bukas.