CHAPTER 01

1821 Words
i open my eyes when a light pointed on me as i heared the giggle of my siblings. i saw chika leaning on the grass holding a mirror that reflects the light from the sun and freddy on her side laughing. "Hah! sister you should see yourself! you're drooling!" he said then laughed again. i wiped my cheeks and i stand to them. "You naughty brat!" i said to them and they start running. i ran too and growling like a monster. "slow down baka madapa kayo" i looked at our mama and she's holding a basket that full of corns and Kamoteng Kahoy and our papa holding a basket that full of fish. "Chika and Freddy, i need you to help me to prepare our lunch" the two shouted "Yes mama!" and they start running towards her. i looked up on the sky and saw a red with a combination of color orange and yellow Phoenix flying. tinaas ko ang kamay ko na parang gusto kong abutin ang phoenix at naramdaman ko ang malakas na hangin na tumatama sa aking katawan at sumabay ang aking buhok sa pag-ihip ng hangin. hinawakan ko ang aking sombrero para hindi ito liparin at napapikit ako at dinama ang ingay ng mga ibon at ang pag-alon ng dagat. I heard my mama call my name. kinuha ko ang mga kahoy na nakalagay sa gilid at sinukbit ko sa aking balikat dahil nakatali ito sa lubid. pumasok ako sa aming bahay at nakita ko si Chika na nag-peprepare ng aming makakain at si Freddy naman tinutulungan ang aming papa. nilapag ko ang mga kahoy sa gilid at nakita ko si mama na kakalabas palang ng aming kusina dala ang isang bowl na puno ng kamoteng kahoy at nilapag sa aming maliit na lamesa. chika helped her and go to the kitchen to take the mushroom soup that my mother cooked for us. I sat on my chair then the door opened and i saw my father holding a bunch of woods and goes to the kitchen para mailagay ito sa aming storage. When we finished eating, kinuha ko ang dalawang basket ng kamote at nilagay iyon sa malaking bag. Sinukbit ko ito sa aking balikat at nagpaalam na sa kanila na pupunta ako sa city ng Acacia para magbenta. "Paalam!" sigaw ko sa kanila at kumaway sa kanila. kumaway rin sila pabalik. "Paalam ate! mag-ingat ka!" "mag-ingat ka sa pagbaba ahh! magluluto ako ng paborito ninyong pagkain!" sigaw ni Ina at masayang kumaway sa akin. si Ama naman ay ngumiti lamang at kumaway rin. May ibang Level ang siyudad ng bansa ng Maharlika. May isang city na para sa mahihinang nilalang, isang city sa Mayayaman at isang City at isang City para sa mga mag-aaral. Ang pangalan ng City para sa mahihinang nilalang ay Egobus. Mahina ang poverty nito at dito pinagkukuha ang mga alipin at dinadala sa City ng Acacia. Sa Acacia naman, duon nakatira ang mga mayayaman at may kaya. At pangatlo ay ang Skylercryst, dito naninirahan ang mga Estudyante sa paaralan na nagngangalang Akademia De Makiha. "hayysstt, kung may kapangyarihan lang ako, makakapasok ako sa Academy na iyon at makakaalis na kam dito sa Egobus kaso wala eh. pinanganak akong walang kapangyarihan" napa-buntong hininga ako at Bumaba na ako sa bundok at natagpuan ko ang isang bagay na parang lumang Castle ang itsura at masaya akong pumunta duon. "Asteria!" Masaya kong sabi at lumingon sa akin si Asteria na may hawak na isang glass bottle at ang laman nito ay kulay asul na likido. Si Asteria ay isang Witch dito sa bundok at maraming tao ang nagpapatulong sa kanila upang makapag-hanap buhay sa Acacia. "Venus, naparito ka. Hinanda ko na ang potion mo. Nasa itaas lamang ng Cabinet" saad nito habang nilalagay niya ang Asul na likido sa isang malaking lalagyanan at sinunod naman niya ang Hyster, kaya nitong makapag-heal ng anumang sakit at napaka-rare hanapjn ito dito sa bundok at ginagamit niya iyon upang makagawa ng Healing Potion. Nang natapos ko nang inumin ang Potion ay palabas na sana ako ng kanyang bahay nang may sinabi siya na ikinahinto ko. "Bakit mo to ginagawa, Venus." Seryosong sambit niya sa akin. "I do this for my family" "Hindi ayan ang sagot na gusto kong marinig pero, okay narin. In the future makukuha ko rin ang sagot mo sa tanong ko" saad niya at patuloy na nag-halo. Nagtataka ako sa kanyang sinambit but i just shrugged at nagpatuloy sa paglalakad. "Ang weird niya talaga" Nang nakarating na ako sa bayan ng Acacia napapamangha parin ako sa ganda nito. Maraming malalaking bahay ang nakatayo at maraming nakasoot ng mamahaling damit ang mga tao na may dalang pamaypay at payong, ang iba ay nakasakay sa Carousel. Ang iba naman ay kumakain sa restaurant at ang iba ay inaamoy ang mamahaling perfume. Hinanap ko ang isang store ng aking kakilala kung saan duon muna ako nag-stay upang mag-tinda. "Venus!" Masaya akong napatingin sa isang babaeng tumawag ng aming pangalan at kumakaway. Masaya akong naglakad papunta sa kanya at pumunta na kami sa kanyang store. Malaki rin ang kamyang store at sikat ang mga paninda niyang cakes at sweet at pati narin ang aking Baked kamote. Nang natapos na ako sa pag-aayos ay lumabas muna ako upang diligan ang mga halaman sa gilid at maglinis. "Wag ka na magbayad ng renta mo dito Venus! Okay lang naman sakin na magbenta ka dito para may kasama ako!" At kahit paglilinis lang ito na lang ang ibabayad ko sa kanya. Napukaw ang aking tingin sa isang babaeng nahihirapang maglakad, naka-posas ang kanyang kamay at may bakal na nakatali sa kanyang leeg. "Bilisan mong maglakad!" Sigaw ng lalake at hinampas niya ang bata ng latigo ng malakas kaya napatumba ito. I clenched my fist in anger at tatayo na sana ako para protektahan ang batang babae ngunit pinigilan ako ni Dulce. "Pigilan mo ang sarili mo, lalo lang lalala ang pangyayari." Kalmadong sambit nito sa akin. Hinawakan ko ang kamay nya at mahigpit itong hinawakan and i gave her a death look. "Ikalma mo Venus" seryoso nitong sabi sakin. "Pigilan? Dulce, tinuturing nila ang mahihinang nilalang na alipin!" Mariin na sambit ko sa kanya na may halong galit. "Ikalma mo Venus, lahat ng tao nakatingin sayo at iisipin na isa kang mahinang nilalang katulad nila" bulong niya sakin ngunit nakakasawa nang pakinggan iyon. Mas lalo ko pang hinigpitan ang kanyang kamay at mas lalong sumeryoso ang kanyang mukha. "Wala akong pakealam kung magtaka sila na isa ako sa mahihinang nilalang" "Venus isipin mo ang buhay ng pamilya mo, kailangan mong magpanggap upang masuportahan ang pangangailangan ng pamilya mo, kapag nalaman nila na isa ka sa mahihinang nilalang hindi lang ikaw ang papatayin kundi ang pamilya mo" seryosong sabi nito at tinuro ang batang babae na pinipilit na tumayo at patuloy na hinahampas siya ng latigo. "Pati ang mga katulad mong mahihinang nilalang mamamatay kaya manatili ka munang magpanggap para sa kanila" dagdag niya. Binitawan ko ang pagkakahawak sa kanyang kamay at bumuntong hininga. "Ahahahha, pasensya na sa aking kapatid, may pagka-iritada rin ito kaya nagiging ganito siya" saad ni Dulce at pekeng tumawa. Yumuko na lamang ako sa kanila bilang paghingi ng paumanhin sa aking attitude kanina ngunit hundi parin mawala wala ang galit na nararamdaman ko ngaun sa aking nakita. Natapos na ang pagbebenta ko ng pagkain dito sa City ng Acacia at nililigpit ko na lamang ang aking kagamitan at pagkatapos kong iligpit itong lahat ay ako'y uuwi na. Dalawang daang pilak ang natanggap ko ngayon sa pagbebenta ng baked na kamote at ng mais sapat na ito para mabilhan ko ng isang Cake ang aking kapatid na si Chika. Pumunta ako sa bakery ni Dulce at isang slice ng Carrot cake na lamang ang natira. "Pasensya na Venus kung ito na lamang ang natirang Slice ng cake ngayon, marami kasing bumili kanina. Sana sinabi mo kanina na ngayon ang kaarawan ni Chika para makapag-tabi ako ng isang buong Carrot cake" "Ayos lang po Dulce. Kakasya na po ito sa amin" masaya kong sabi. Kita ko ang guilty sa kanyang mukha. Ngumiti ako sa kanya at kinuha ang nakabalot na isang slice ng cake sa kanyang kamay at nagpaalam na sa kanya. Naghintay ako ng Carousel na papunta sa bayan ng Egobus at huminto sa aking harapan ang isang mala-lumang Carousel at imbis na kabayo ang nagtutulak, baka ang ginamit. Pumasok na ako sa loob at inobserbahan ang loob na parang ilang minuto nalang ay babagsak na ito. Nang nakarating na ako paakyat sa bundok ay binayaran ko siya ng sampung pilak at kinuha ang lumang lampara sa aking malaking bag at sinindihan ito. Mabuti na lamang magaan na ang laman ng aking bag mas napapadali ang pag-akyat ko sa bundok kesa kanina na parang gugulong na ako sa bigat ng dala ko. Napahinto ako sa Bahay ni Asteria at nakita kong wala nang ilaw ang loob. "Tulog na ata siya, ngunit nakakapagtaka lang kasi ngayon lang siya nagpatay ng ilaw dahil 24/7 siyang gumagawa ng potion at binibigyan niya pa ako ng pagkain kapag pauwi na ako sa bahay" saad ko. Nagkibit balikat na lamang ako at nagpatuloy sa paglalakad nang biglang humangin ng malakas kaya napatay ang aking lampara. Hinawi ko ang aking buhok na humaharang sa aking mukha at sinindihan muli ang lampara at nagpatuloy sa paglalakad nang may naramdaman akong kakaiba. Napatigil ako sa paglalakad nang biglang humangin muli ng malakas at nagtataka ako kung bakit nagiging ganito ang kalikasan na parang may pinapahiwatig sa akin. Hindi ko na lamang ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Naaninaw ko na ang bahay namin at mabilis akong naglakad ngunit papalapit ako ng papalapit ay naamoy ko ang dugo at mas lalong tumatapang ang amoy nito. "May kinakatay ba si Ama na baboy? Hindi ihh, dapat may umuusok na dito at maaamoy ko kaagad ang halimuyak ng baboy at kakaiba ang amoy ng dugong ito, hindi ito dugo ng baboy" Napatigil ako sa kakaisip nang may narealize akong parang may mali mabilis na tumibok ang aking puso at kinakabahan ako sa tumatakbo sa aking isip. Binaba ko ang bag ko pati narin ang lampara at mabilis na tumakbo papunta sa bahay at kinuha ang maliit na kutsilyong nakatago sa bag at mabilis na tumakbo sa bahay. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita kong nagkalat na dugo sa dingding at nanghina ang tuhod ko sa aking nakita. Nakaratay sa sahig ang aking ama na wala nang buhay at naka-patong siya kay Freddy na parang pinoprotektahan niya ito at maraming hiwa ang nasa kanyang likod pati s leeg niya. I clenched my fist in anger at nandilim ang paningin ko sa aking nakita ngunit umiling iling ako at inisip na ligtas si ina pati si chika nang nakarinig ako ng halakhak sa isang kwarto. Dahan dahan akong naglakad at mas lalong dumilim ang paningin ko sa aking nakita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD