Nasa gitna sila ng traffic ng mga oras na iyon pauwi sa kanyang tinutuluyang condo kasama ang kanyang partner na sinundo sa airport na si Denver. Na missed niya ito ng sobra kaya kaninang pagkapasok nila sa loob ng sasakyan ay hindi niya napigilan na halikan ito ng saglit sa labi na ginantihan naman nito kaagad. "So kumusta ang almost one month mo na dito love?" Sabay hawak sa kanang kamay ni Luke habang ang kaliwang kamay nito ay nakahawak sa manibela. "Well ayos naman. Naging busy at busy pa rin until now dahil sa bago kong project dito." Nakangiting sagot ni Luke kay Denver. "Pero I made a promise to myself na kahit sobrang busy ako, maglalaan ako ng oras pa sa ating dalawa. Lalo na ngayong magtatagal ako dito sa Pilipinas." "Okay lang sa akin love. Lalo na para iyan sa career mo.

