Tinitignan niya ang USB ng mga sandaling iyon na nasa kanyang palad na binigay ni Xavier. Nagtataka siya kung para saan iyon. "A-ano ito?" Takang tanong niya. "Tignan mo na lang kapag kasama mo na si Mr. Gonzales." seryosong sagot ni Xavier sa kanya. Napatango na lang siya sa sinabi ni Xavier at saka niya ipinagpatuloy ang kinakain na almusal. Habang kumakain si Luke ay pinagmamasdan siya ng lihim ni Xavier. "Sana makuha mo na ang hustisya na hinahanap mo. Para matigil na ang lahat ng mga kaguluhan. Ayoko ng may madamay pang mga tao. Kung saan man dadalhin ng kapalaran ang lahat, sana naaayon sa tamang pagkakataon." nasambit ni Xavier sa kanyang sarili habang pinagmamasdan niya ang kaharap at itinuloy niya na rin ang kinakain. Pakiramdam ni Luke ay pinagmamasdan siya ni Xavier

