Tuwang tuwa siya ng kanyang makita ang kanyang mga magulang sa video chat via skype. Hinawakan niya ang screen ng iMac upang sa ganoong paraan ay para na rin niya itong nahahawakan. "Mama, papa.." naluluhang sambit ni Luke. "Anak, maraming salamat at ligtas ka" tugon ng kanyang mama. "Huwag mo kaming alalahanin anak. Ligtas kami ng iyong papa." "Anak, maayos ka na ba? Kumusta na ang pakiramdam mo?" Tanong ng papa ni Luke. "Papa maayos na ho ako. Huwag na ninyo akong alalahanin ni mama." "Nalaman namin ang nangyari sa'yo. Anak, bakit mo inilihim ang lahat sa amin ng iyong mama? Sana ay natulungan ka namin." "Papa, I am sorry if I lied. Ayokong lumaki ang gulo. Kaya hindi ako nagsabi sa inyo lalo na hindi basta bastang tao ang may kasalanan sa atin. Ang buong akala ko mabibigyan ko

