Galit na galit siya sa papa ni Xavier. Gustong gusto niya na magbayad ito sa lalong madaling panahon sa kasalanan sa kanyang pamilya. Maniningil siya. At titiyakin niyang magbabayad ito. Ano ang kasalanan ng kanyang pamilya para ipapatay nito ang kanyang kapatid? At unti unting namuo ang mga luha sa kanyang mga mata. "Ngayong alam mo na kung sino, ano ang plano mo?" Tanong ng kanyang kaharap. Huminga muna siya ng malalim at saka tumitig sa kausap. "Hanapin mo ang tauhan na pumatay sa kapatid ko." Mariin na kanyang pagkakasagot. Ilang segundo muna siya tinignan ng kausap bago ito nagsalitang muli. "Sigurado ka na ba sa desisyon mo? Kasi mabigat na pangalan ang involved. Marami itong puwedeng gawin laban sa iyo." Babala ng investigator. "Wala na akong pakialam. Gagawa ako ng para

