Natakot si Xavier sa kanyang narinig mula sa kanyang ama. Kailan pa nito nalaman na nagkita na silang muli ni Luke? "Da-dad, wa-wala iyon. Nagkataon na pareho kami invited sa kasal ng kaybigan namin." Malumanay na sagot ni Xavier sa ama. "At saka dad, masaya ako sa relasyon namin ng girlfriend kong si Cindy. Alam mo naman iyon diba? At matagal na rin na panahon ang nakaraan." Nakatingin lang sa kanya ang ama. At tila sinusuri nito ang kanyang mga tinuran. "Buweno, alam ko naman na masaya ka sa naging desisyon mo noon. Look at yourself now, may magandang career sa napili mo although sa una ayoko dahil mas gusto kong maging kagaya mo ako na isang politiko pero ayos lang sa akin. Basta ayoko lang na malaman pang muli na nagkikita o nakikipag usap ka sa animal na iyon." Sabay tapik sa

