TILA batang nakahanap ng kakami si Matilde at imbis na tumahan ay mas lalo pa siyang napahagulhol nang makita si Leandro Jose. Habang ang binata naman ay walang tigil sa pagpunas ng kanyang mga luha. "Hush now, Desiree..." paulit ulit na pagpapatahan nito sa kanya habang paulit ulit din ito sa pagpunas ng mga luha niya. Nakita niya pang titig na titig sa kanya ang binata habang ginagawa iyon. Nag-iwas naman siya dito ng tingin at saka sinubukan niyang tumahan. "Let's go. Sumabay ka na sa akin. Bakit ka naglalakad lang. You're wearing heels. Paniguradong sasakit ang mga binti mo niyan," ani pa ni Leandro Jose sa kanya at saka siya iginiya papasok sa loob ng sasakyan nito. Pinagbuksan siya nito ng passenger seat at saka siya inalalayang pumasok doon at saka mabilis naman na umikot ang

