HALOS kalahating oras ang hinintay ni Matilde bago niya nakitang pababa na sa hagdan si Leandro Jose. Napaka gwapo pa nito sa suot na itim na plane na V neck shirt at tattered jeans. Binatang binata ang pormahan nito. At nang tuluyan itong makalapit sa kanya ay agad niya ring nasamyo ang mabago at mamahaling pabango nito. Mula sa pag browse ng mga video sa social media ay itinigil na iyon ni Matilde at tinago niya ang kanyang cell phone sa pouch na hawak niya. "Let's go?" nakangiting sambit ni Leandro Jose sa kanya. Tumayo naman si Matilde at saka tumango. "Let's go," tugon din naman niya at agad na nag-iwas ng tingin sa binata. Paano ba naman kasi titig na titig ito sa kanya. Ayaw niya pa naman ng ganoon at parang sasabog ang puso niya sa sobrang bilis ng t***k nun. Baka atakehin

