HINDI inintindi ni Matilde ang sinabi ni Xavier na pupuntahan siya nito mamayang gabi. Maaga siyang natulog pagkauwi niya. Kumain lang siya ng hapunan. Hindi na nga siya nakapagluto at nag-order na lamang sa labas. After doing her skin care routine ay nahiga na si Matilde. Mabilis siyang nakatulog. Ngunit naggising siya dahil sa maingay na pagtunog ng kanyang cell phone. At nang tingnan, tumatawag sa kanya si Xavier De Luca. Matagal niya iyong tinitigan. Wala naman kasi siyang planong sagutin iyon. Hinintay ni Matilde na mawala ang tawag. Ngunit matapos nun ay muli na naman iyong nag-ring. Wala ata siyang planong tigilan ni Xavier at tumawag na naman ito. Kaya naman ay napilitan na si Matilde na sagutin iyon. "Sir Xavier. I'm tired. Pagod ako sa paglilinis ng kalat ng mga empleyado

