LOVE? Hindi naniniwala si Matilde sa salitang iyan. Marahil ay nakikita niya sa mga magulang niya na totoo ang pagmamahal. Nagmamahalan ang mga ito. Kaya nga ay nabuo siya at si Adrianna. And yes, it really exists in other persons. Ngunit hindi siya naniniwala na lahat ng tayo ay pinapalad na makatagpo ng mamahalin nila habang buhay. Hindi lahat ng tao ay may ka-pares sa pagtanda. Ang iba ay mag-isa lamang hanggang sa mawala sila sa mundong ibabaw. At iyon ang paniniwala ni Matilde. She has a dark past. No one would accept a woman like her. She's a dirty woman. Iba't ibang lalake na ang tumikim at nagsawa sa kanya. Sino ba ang gaganahan sa kanya kapag ganoon? Wala. Matagal niya nang tanggap na mag-isa siyang tatanda. Hindi siya magkakaroon ng sarili niyang pamilya katulad sa iba.

