"ANONG pag-uusapan natin?" Kalmadong tumayo si Matilde mula sa upuan sa harapan ng salamin. Lumapit siya kay Xavier at blangko itong tinitigan. Galit ang binata. Nakikita niya iyon sa mga mata nito ngunit hindi siya natatakot. Mas lumapit din sa kanya si Xavier at hinaklit siya sa kanyang braso. Napangiwi siya nang mapalakas ang paghila sa kanya ng huli. "Anu ba! Bitawan mo nga ako!" naiinis na sambit niya kay Xavier at saka binawi ang braso niya. Umatras din siya at saka pinanlisikan ng mga mata ang juli. Narinig niya ang marahas na pagbuntonghininga ni Xavier. "Why are you f*****g moving out? I told you to just stay here and do the plan! Are you out of your mind huh? Si Leandro Jose na mismo ang lumalapit sa 'yo! Bakit ka pa lalayo!" galit na saad ni Xavier at saka ginulo ang buhok

