"ANO bang pag-uusapan natin?" Kahit hinang-hina dahil katatapos pa lamang nila ni Xavier ay bumangon si Matilde mula sa pagkakahiga at saka siya sumandal sa headboard ng kama. Inabot niya ang kumot at tinakip iyon sa hubad niyang katawan. Wala namang ginagawa at nakahiga lamang si Matilde ngunit pagod na pagod siya. Nakita naman niyang bumangon si Xavier mula sa kama at pinulot ang mga damit nito. Nagbihis ito sa harapan niya. "Bakit hindi ka pumasok sa kompanya kanina? And what's with you and Leandro Jose? Hindi ko alam na ibabahay ka na pala niya," anito sa mababang boses. Nakakunot pa ang noo nito sa kanya. Nagtungo ito sa sofa at naupo doon. Nailing naman si Matilde. Hindi niya alam kung dapat niya bang sabihin kay Xavier kung anu ang nangyari at bakit sila nahantong dito. But

