Lucille’s Point of View “Malapit ko nang mapaikot at mamanipula si Luke, at kapag nagtagumpay ako roon, makukuha natin ang lahat ng inpormasyong kailangan natin.” Katabi ko ngayon si Sabrina at Tristan. Nasa canteen kami at kumakain. Hindi namin kasama si Andrea dahil wala sa sarili ang isang iyon simula pa noong Sabado. Si Alexis naman ay may pinapagawa sa kanya iyong isa naming prof. “Hmm, what do you mean? Aren’t you too pleased, Sab? Iba ang sinasabi mo sa gusto mo talagang mangyari.” Puna ko sa kanya. Napatigil siya sa pagtawa tawa niya dahil sa sinabi ko. “Huh? What do you mean, Lucille? Ginagawa ko lang kung anong plano natin. Ang makuha ang loob ng Princes—” “What plan? Wala naman tayong ganyang plano noong una, hindi ba? Ang totoong plano ay bantayan sila at malaman kung nasaa

