Third Person’s Point of View “Buti nalang may susi ako ng bahay namin dito.” Sabi ni Terence bago buksan ang pintuan ng bahay nila. Walang tao rito. Madalas ay dinadalaw lamang ito ng caretaker. “Alam mo ba kung saan ang bahay nila Lucille? I want to surprise her.” Sabi naman ni Ivan habang pumapasok sa loob ng bahay. Malinis ang buong bahay dahil na rin sa pag aalagang ginagawa ng caretaker nito. “Hindi, eh. Wala namang nababanggit sa akin si Mama. Just call her, Ivan. Itanong mo saan ang bahay nila para madalaw mo. I can’t ask my mom, alam mo namang tumakas lang ako.” Naupo si Terence sa malaking sofa nila. Huminga naman ng malalim si Ivan bago kunin ang cellphone niya. “Bakit ba kasi kailangan mo pang tumakas? Hindi naman sa pipigilan ka pa ni Tita Ana.” Sabi ni Ivan habang nag iis

