Andrea’s Point of View Magkasabay kami ni Kevin sa pumasok sa school. Hindi ako masyadong komportable dahil pagbaba ko palang ng kotse niya ay nakuha na agad namin ang atensyon ng mga taong nakakakita sa amin. Nakikita ko pa na nagbubulungan ang ilan. Napabuntong hininga nalang ako. Hayaan ko na nga sila. Ito pa nga lang magkasabay kami ay ginagawan na nila ng issue, paano pa kaya kapag nalaman na nilang sa iisang condo unit kami nakatira ngayon ni Kevin? Ang sabi ni Tita ay sisimulan na raw ang pag aayos sa bahay. Ang alam nila ay sa hotel kami nananatili ngayon. Hindi ko naman pwedeng sabihin na kasama namin ang Princes. Baka mapasugod sila nang wala sa oras dito. Kahit na ipaliwanag na sa amin nila Tita ang dahilan bakit gusto nilang pabagsakin ang grupo ng Princes ay hindi ko pa r

