KABANATA 14 his seductive voice

1520 Words
Kalahating oras ng nakatayo si sander sa loob ng banyo. Tinitigan ang kanang kamay niya na duguan. Rinig na rinig niya kanina lang ang pag wawala ng dalaga dahil sa pag akusa sa kaniya. Sa sobrang pagkapuno ng kanyang kalooban nagawang suntukin ang dingding ng banyo. Nanginginig ito ngayon sa sakit ng tingnan niya at tumulo ang dugo sa sahig. Ngumisi siya, may bahid ng nakakaloko at habang hinuhugasan ang sugat naalala niya ang dalaga. Ang sinagip ko at tinulungan ng gabing iyon. Na ngayon ay parang tigreng nag wawala. Napailing siya sa naiisip. Pagkatapos lumabas ng banyo. Agad hinagilap ang first aid kit nilagyan ng betadine at gasa ang sugat. May kumatok ng mahina. "Iho?" Bumungad sa kaniya si manang josie may dala itong pag kain at nilapag sa center table ng sofa. Nag aalangang mag salita ito ng nakatingin sa kaniya. "Dinalhan kita rito ng makakain at si___?" "You can call her miss lady from now on manang." Bumuntong hininga siya. "And she is my fiancee and soon to be Mrs. Abilla." Nagulat ito. "S-sir?! Tumango siya. "Sa ngayon wala pang ibang nakakaalam dalawa lang kayo ni mang june." "Sige iho, ikaw ang bahala." Pero may sasabihin pa sana ito habang nakatingin sa kamay niyang may gasa at pasimpleng tinago niya at tumalikod narin ito. Matapos ang dalawang oras na trabaho mula sa harap ng laptop at pinirmahang dukumento. Dahil sunod-sunod ang mensahe ng mga kaibigan n'ya. Kapwa investor ito sakanya at ganun rin s'ya sa mga negosyo nila. Walang lamangan pag dating sa pera. Nilaylay niya ang ulo sa swivel chair at tumingala sa kisame. Ilang segundo tumayo siya at pumunta ng kusina. Nang lumampas siya sa sala. Lumingon at tumingala s'ya sa itaas ng second floor, kung saan naroon sa kwarto ang dalaga. Kumawala siya ng isang hininga at umalis. Nadatnan niya sa kusina si manang nag luluto nilapag ang pinag kainan niya at lumabas ng mansyon. Patungo siya sa HQ. Narinig niya sa labas ng pinto. "Bilisan mo migs!" Boses ni max. Nadatnan niyang parang bata kung bihisan ang dalawa si trio at max. Napatayo ng maayos ang tatlo. "B-boss?!" "Continue, and i will do something." Sambit niya. Palakad ito sa unahan ng mahabang mesa. *** Matagal din siyang nakatulala sa sahig. Mabilis tumayo si nanan at pinagpag ang suot niya at kumuha ng tubig. Sinubukang mag salita. "E-ehemm" dry na dry ang lalamunan niya. "Jusko po! wala na akong boses nito bukas." Pag alala niya. Tumunog ang tiyan niya. Humilab ang sikmura dahil sa gutom. "Ano ba naman yan, kahit ikaw umaatungal na diyan!." Maktol niya sa tiyan mga bitukang palamunin. Nagsisi siyang hindi kinain ang dala ng matanda na ngayon sabog sa sahig. Tumingalang napabuga ng hangin. Nakita ni nanan may sliding door at terasa sa kwarto niya. Mabilis binuksan ito at napanganga siya sa nakita. "Woaah!" Nagulat s'ya sa taas at ganda ng view muntik na s'yang makalimot sa lakas ng pag bulalas n'ya. Tinakpan ang bibig ng makitang umaaligid ang mga bantay sa labas ng mansyon makikita mo dito ang bawat galaw nilang lahat. "Grabe nakakatakot!" Bulalas niya. Para kang prinsesang naka kulong sa isang torre at may mga alagad na kawal ang nag babantay na umaaligid sayo. May bahid ng lungkot na turan niya. Makikita rito ang lawak ng mansyon. Napangisi s'ya sa naisip ng tangkaing akyatin ang taas ng bubong. May bakal itong naka usli. "Bakit meron ng ganito dito?" Nag tatakang tanong niya. Talagang sinadya ata ito ah! Binalewala ni nanan at dahan-dahang umakyat. Kinakabahan sa kaniyang ginagawa at baka mahulog. Pinag pawisan ang kanyang kamay na kumapit sa bakal at semento na unti-unting tinahak ang bawat pag usad n'ya at maingat siyang nakatawid pataas sa bubong "Woaah!" Sambit n'ya at kinilibutan pa siya sa nakita. "Wow, napakaganda kahit ang mga ulap!." Dumampi sa kanya ang malamig na simoy ng hangin dala ng maraming puno at matatayog na pine trees ng mansyon. Kita dito sa itaas ang nagagandahang view sa lawak nito. Nalibang s'ya sa kanyang ginagawa upang pansamantalang mawala ang kanyang pinag daanan. "Masarap sanang sumigaw dito sayang." Bulong niya. 'Ano yon nanan nasa bundok kalang? Narito ka nga oh, sa palasyong bihag ka naman! Yon na nga eh! mag lalabas ng sama ng loob ano pa ba?' Buntong hinininga niya. Nag lalakad siya sa taas ng bubong mabuti na lang at makulimlim ngayong araw. Inikot niya ang bubong at sinilip ang ibaba kung ano pa ang naka palibot dito sa mansyon. Napunta siya sa likod at namangha. "Grabe! Malawak ang pool may kubo at may sun bathing pa, sosyal!" 'Napakayaman naman ng may ari nito." Bulalas n'ya sa isipan. May nakitang isa pang kubo malapit sa malaking puno. Nawili siya sa ginagawa hindi napansin ang oras. May narinig siyang boses na tila kulog ito. 'Kung magalit naman ito at maka utos sa tauhan parang may rebeldeng nag tangkang pumasok sa mansyon niya'. Sumilip siya sa ibaba at nag kagulo na ang lahat. "Bakit may kalaban ba?." Nag tatakang bulong niya. Masaya pa siyang pinapanuod ang mga ito na nag sitakbuhan tila nanuod siya ng live show. "Atleast safe ako rito sa itaas." Tawa n'ya, ang iba takot sa amo nila at tumatakbong kumakamot sa batok. "Migs?! ano nanaman ang ngyayari? bakit nag kagulo dito?!." Nag tatakang tanong ng lalaking may mga pasa. Narinig niya ang usapan nito sa ibaba. "Naku si boss, nawawala daw ang babae sa kwarto nito." Sagot nito. "H-huh?!" Napamulagat siyang tinuturo ang sarili niya. Mapagtantong siya ang hinahanap at maingat siyang naglakad sa taas ng bubong kulang nalang ay tumakbo s'ya. Sumilip sa ibaba saktong walang tao. "Akala mo naman tatakas ako!" Himutok niya habang kinakabahang bumaba. 'Totoo naman nanan may plano kang tumakas!' Ganun kabilis nakarating sa terasa at dahan-dahang binuksan ang sliding door upang walang makarinig sa pag bukas nito ng makapasok na siya... Napasinghap siya ng may humablot sa bewang niya sa hindi inaasahan. Para siyang himatayin sa gulat. "L-let me go!" Malakas ang pagkahatak sa kaniya at pareho silang bumagsak sa kama. Biglang sumampa ito sa itaas niya at muntikang mahalikan siya. Kinakabahang napatitig sa mga mata nito't napalunok siya ng makitang gumalaw ang adams apple nito. Nag katitigan sila ng ilang segundo. 'Napaka bango niya jusko po! ayaw ko ng tukso!' Napangisi ito ng makitang namumula siya na parang mansanas na nakatitig dito at bumulong sakanya. "Are you having fun my lady?" Kinalibutan siya sa sensasyong naramdaman ng dumikit ang labi nito sa tenga niya. Napakurap siya dahil sa sinabi nito at tinulak niya. "A-anong sinasabi mo?!" Taliwas sa tanong niya. Humalakhak ito pagkatapos tinitigan siya at hinagod ng tingin mula ulo hanggang paa. Ngumisi ito. "You already grown-up and never change for the past eight years." Makahulugang sambit nito. Bigla itong lumapit sakanya at hinapit sa bewang. "Lagi kang matigas ang ulo. Kahit kausapin lang kita noon, you are so rude. Pero kapag nasa harap ka ng kuya mo noon your smile is sweet even to your parents. Bakit pagdating sa akin gemmy you never did." Para siyang nahipotismo sa mga boses nitong nakakaakit at hindi niya magawang itulak ito. Katawan niyang traidor at nag papadala sa karisma ng lalaki. '!Never! Hindi ko kayang gawin, ngunit bakit ang katawan niya ay may sariling isip na gustong gusto nito ang malamig na boses mula sa lalaki na nagpabilis ng t***k ng puso.' Ramdam ni sander ang mainit nitong katawan na ngayon tila nanlalamig na. Ramdam niya ng t***k ng puso ng dalaga na kasing bilis sa karera ng kabayo. Pinipigilan niyang hindi akitin ang dalaga kung mapapadala ba ito sa kanya tulad ng ibang babae. Lalo ngayon para naman siyang bitag sa sariling niyang pain. Muntikan ng mawala sa wisyo si Nanan nang marinig niya ang pangalang Gemmy ay tsaka siya nagising sa katotohanan. Tinulak niya ang lalaki, "A-ano?! sinasabing hindi ako si Gemmy Vane Cole na sinasabi mo!" sambit niya sa sobrang inis. "B-bakit ba kasi ang kulit mo?! Baka nag kamali kalang na hindi nga ako ang hinahanap ninyo!." Tinitigan lang siya ni sander habang nag sasalita. Rinig niya ang pag hinga ng malalim nito. Tumingin ito sa paligid na magulo dahil sa ginawa ko kanina. "Maligo kana, at amoy asim kana." Mabilis inamoy ni nanan ang sarili. "Hindi naman ah! iniiba mo lang yata ang usapan natin!" pag sagot niya dito. "Tsaka wala akong pang palit ng damit!" hirit niya at ng may ideya siya. "Pero ganito nalang palayain mo akong umalis dito at hindi ka mag karoon ng sakit ng ulo katulad ko. hehehehe." humalukipkip sa kaniya ito dahil sa sinabi niya. Sumagot ito. "No!" Ng may naalala siya. "Paano ang pag aaral ko?! may dalawang buwan pa ako bago makapag graduate!" "Hindi mo na kinakailangang problemahin yon." Sabay tumalikod ito at lumabas ng kwarto. "Kailangan ko yon?! Dahil para sa tita ko at wala akong maibigay sa kanya kundi ang makapag tapos ako!" sigaw niya dito. Nag babadya nanamang lumuha kapag naaalala ang tita niya. Dahil mag isa nalang rin ito sa buhay simula ng mamatay sina tatang at nanang. Kapag nawala pa siya dito parang pinipiga sa sakit ang puso niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD