6:00 am. Nagising ako sa tunog ng lecheng cellphone.
“Ano?” inis kong tanong sa tumawag.
“Why so grumpy, early in the morning?” then I heard his deep chuckle.
Eh? Ang aga naman yata mambwisit ‘to?
“Ano ba? Sobrang aga mo naman tumawag? Don’t tell me you're going to fetch me now?” dahil kung oo, talagang mananapak ako ng umaga.
“Yes. So get up now and you brush your teeth. You stink too,” sabay tawa niya.
Sumabog ang utak ko. “Bumangon ka mag-isa mo! Gago!”
Binagsak ko ang cellphone at nagtalukbong ulit.
Pakialam ba niya kung may morning breath ako? Umaga nga diba? Hindi din naman niya ako naaamoy eh.
Bwisit!
Ang aga-aga kung ano nalang ang iniisip. Kung gusto niya ng katulong, dapat maghintay siya! Leche. Unang araw pa nga lang eh.
“Alyse!”
*knock knock”
“Alyse, may bisita ka sa baba. Kanina pa naghihintay.”
Paglabas ko ng banyo at hindi pa ako nakakapagbihis, andito na yung gagong yun? Talagang tinotoo? Tss.
“Magpapalit na po!” nilakasan ko dahil baka paalis na.
I was never conscious with my choice of clothing because it represents my personality that's why I wore my boyfriend jeans paired with v-neck white shirt and black rubber shoes.
Sinuklay ko ng aking mga daliri ang buhok kong hanggang sa baba ng balikat. Ayaw ko kasi ng masyadong mahaba, feeling ko kasi ang bigat. Libre din ang pagupit ko kay Darna hehe.
“Mornin’ Hydra," sinamaan ko ng tingin ang gagong nakaharap sa may parang lamesa na pinaglalagyan ni manang Ofel ng mga ulam.
Pinasadahan niya ng tingin ang suot ko. Tumaas ang kilay niya pagkatapos. Bakit?
“Alam ko.”
“huh?”
“Alam kong umaga na,” umismid ako.
“Alyse! Bakit ganyan ka makitungo sa bisita mo?”
Nagulat ako kay manang kaya sa kanya ako napatingin. Pinagtatanggol ba niya?
“Siya pa naman ang amo mo.”
“Eh? Siya ba ang nagsabi manang?”
Tinaasan ko ng kilay ang lalaking nakangiti. Dapat talaga hindi nalang ito ngumingiti. Nakakabanas.
“Aba, dapat lang. Sinusundo ka niya at bumisita na rin. Hindi mo naman kasi sinabi na isang gwapong binata pala ang kaibigan mo, Alyse."
Iba yung ngiti ni manang. Nagpapa-cute na pa-shy kaya nangilabot ako. Shutanginers!
Pati ba naman may edad na?
“Uh, excuse me po. Can we go now? I still have to go to the company. Pasensiya na po, manang.” Tumingin siya kay manang para humingi ng ‘pasensiya’ daw.
Manang daw?
“Manang mo?” pambabara ko.
“Ano ka ba naman, Alyse. Syempre manang ang tawag mo sakin kaya pwedeng manang na din sa kanya. Pwedeng tita na rin,” humagikhik siya.
Oh. My. God.
“Tara na nga!” hinila ko ang braso niya palabas ng bahay.
“Yiie si Alyse luma-lovelife na ah.”
Tinawanan ko si Miranda. “Bodyguard ko 'to, ano ka ba ate.”
“Haha okay lang yan Alyse. Matanda ka na, at para naman may ninong nang kasama mo sa binyag.”
Matanda daw ako? Hah! Hindi porke’t pito na ang anak niya sa edad na bente singko ay matanda na ako!
“Bodyguard huh?”
“O wag ng umangal.”
Bnitawan ko ang braso ko nang mapansing hawak-hawak ko parin ito.
Tahimik kaming naglakad sa masikip na daan dito sa amin. “Nakapunta ka na ba sa mga squatter’s area?”
“No. This is my first time.”
“Oh? Tapos?”
“Anong tapos?”
“Anong masasabi mo?”
Sumulyap siya sakin. “Well, it's dirty and crowded.”
Umikot ang bilog ng mga mata ko.
“Nakikita ko din. Araw araw.”
“Mga batang naglalaro imbes na nag-aaral. Mga dalagang maagang nag-aasawa dahil na rin siguro sa hirap ng buhay at hindi din naman nag-aaral. Mga mag-asawang nag-aaway araw-araw dahil sa kawalan ng pambili ng pagkain. I can see it all. The guys being involved in crimes just to have something to eat and give to their families.”
He stared at me. I didn't notice we already stopped walking in the middle of the narrow street.
Tinuro ko ang isang tambay. “He's an ex-convict. Dahil sa kagustuhang tumigil ang tatay niya sa pambubugbog sa nanay ay nagnakaw siya para may maibigay na perang pang-inom. At kita mo yun? Yung nasa tindahan? Iniwan siya ng asawa niya dahil wala siyang trabaho. Hanggang Elementary lang kasi tapos hindi pa niya natapos kaya walang tumatanggap.”
Bumuntong-hininga ako.
“Sometimes, its their fault too. There are many jobs offered but some doesn't want to because the salary is not much or they can't take that kind of work. Minsan, hindi lang ang gobyerno ang may kasalanan. Poor people often deny the fact that they are poor so they refuse to work something that will make them look like ‘uneducated’- which is bullshit. No job is meant for the poor and the rich. It’s the principle of the people that is rotten.”
Wow. He can talk.
May tama din siya. Lahat ng sinabi niya, may katotohanan. Even if there are works offered, ang tao naman ang choosy kahit na naghihirap na. Nangunguna parin ang pride.
Tumango tango ako. “You're right. I just can't stop thinking. Paano na ang mga anak nila kung ang mga magulang nila ay walang magagawa para sa kinabukasan nila? I can't imagine their future looking at their state right now.”
“They're the only ones who can help themselves. All we can do is guide and watch them. Let's go.”
Marahan niyang hinila ang kamay ko palabas sa daan kung saan nakaparada ang sports car niya.
Wala bang ordinaryong sasakyan ang taong ito?
“Hindi ba pwedeng bumili ka ng kahit yung toyota-na kotse? Masyado ng papansin ang sports car mo.” Napakamot ako ng batok.
Bigla akong may naalala. “Hoy, ano nga ulit pangalan mo?”
Napanganga siya sa akin.
“You speak to me as if you know me-and that's what I thought- and now you're telling me you don't?” disbelief is all over his face.
Kasalanan ko ba? Eh malay ko ba kung hindi ko na pinakialaman ang cards niya kasi hindi ko rin naman magagamit?
“Oh eh ano nga? Tatanungin ko ba kung alam ko? Nakalimutan ko lang tanungin kahapon.”
Ngayon naiirita na siya. Salubong ang kilay niya at parang galit.
“You didn't even read my text.- to think that I stayed up late wai-“
“Ano bang sinasabi mo diyan? Minumura mo na ba ako?” tinaasan ko siya ng kilay dahil sa bulong-bulong niya.
Baka mamaya pakulam na ako nito ha.
“Wala!” padabog niyang binuksan ang door ng front seat at hindi ako sinulyapan nang pumasok ako.
“Galit ka ba?”
Nangingiti ako dahil ang lakas ng pagkakasara niya sa pinto ng sasakyan. Natutuwa talaga ako kapag galit siya. Mas lalo siyang gumu-gwapo hehehe.
“Oy!”
Dedma parin.
“Okay.”
Bahala ka diyan.
Nag-vibrate ang cellphone ko kaya medyo naging busy ako.
Darna:
Hindi ka papasok ngayon babae?
Oo nga pala. Kailangan ko pang sabihin na hindi na ako doon magta-trabaho. Kung pwede lang sana sa weekends eh.
May nakita akong unopened message din na hindi naka-register ang name sa phonebook.
Unknown number:
Hey it's me, Collosus. Good night.
Eh? Ang gago ba ‘to? Pang-macho talaga pati pangalan. Pft. Kaya pala galit ang mama. Na-dedma sa text haha. Malay ko ba kasi eh hindi ako mahilig mag-cellphone at wala ring load kaya hindi ko rin marereplyan kung sakaling nabasa ko.
“Nga pala. Sa weekends ba may trabaho pa rin ako?” kahit hindi kumikibo, kakausapin ko parin.
“Yes. Whole week. Why?”
His eyes darted to me from the road and back again. “Ah wala. Balak ko kasing magtrabaho sa barber shop tuwing weekends pero sabi mo mo naman whole week kaya hindi na. Daan din pala tayo don para makausap ko yung may-ari.”
“Barber shop? Isn't that for boys? Why are you working there?” nadagdagan lalo ang inis niya.
“Eh yun lang ang tumanggap sakin eh. Bakit ba? At medyo okay rin ang kita don para may pambili ng pagkain tapos mabait pa ang mga kasama ko noh.”
“Tss. Even so. You shouldn't work in there.”
“Paki mo ba kasi? Marami akong raket at isa na yun sa mga pinakamatinong trabaho ko kaya manahimik ka na nga.”
“Fine. Where is it?”
Tinuro ko sa kanya ang daan at dumiretso na kami. Hindi ko siya pinababa dahil ayokong pag-piyestahan na naman siya ng mga bakla.
“Why?” bugnot na naman. Hayyy.
Kailan ba matatapos ang inis neto?
“Puro bakla ang mga kasama ko kaya baka ma-harass la ng mga yun. Gwapo ka pa naman. Baka ma-r**e ka pa at di na makalabas.” Baka magkatotoo. Ang gwapo kasi talaga ng gago kaya posible yun.
In a flash, the door was shut. Tumawa ako.
“Ano? You scared of gays?”
He glared at me. “Go resign. Now. I don’t want to stay any longer.”
Tumatawa pa akong lumabas ng sasakyan. Mabilis lang akong nagpaalam dahil baka iwan ako ng kasama ko. Mahirap na. Baka nagbago na ang isip nun eh sayang ang sweldo.
“Oh babae, bumisita ka dito minsan. Mamaya, juntis kang magpakita at hindi mo man lang nasabing na-kangkang ka na.”
Napangiwi ako kay Darna.
“Oo nga naman, bakla. Wag kang makalimot kapag madatung ka na ha?” gatung pa ni Karla.
“Makapagsalita kayo parang mag-aabroad ako ah? Don't worry mamimiss ko din kayo kaya talagang bibisita ako. And I want a grand welcome party.”
Hinampas ni Julia ang braso ko. “Baklang ‘to. Daming alam, alis na!”
Pinagbabato nila ako ng mga suklay at powder kaya tumakbo ako palabas.
“What happened? Why are you running?” nag-aalala niyang tanong.
Kumunot bahagya ang noo ko sa inasal niya pero hindi ko nalang pinansin. “Wala. Tara na hehe. Daan muna tayo sa mga bata ah?”
“Sure thing. But are you really okay?”
Kulit naman nito. “Oo nga. Kulit. Dalian mo na baka kanina pa nakaalis sina Cesar para magtinda.”
Pinaandar na niya at umalis na kami.
“Do you always give them food?” tanong niya sa kalagitnaan ng daan.
“Yup. Kapag may pera ako galing sa mga trabaho ko ay lumalabas kami para kumain. Half day ako sa shop tapos sa may palengke naman tsaka ako dumidiretso sa kanila.”
“And pickpocketing?”
“Minsan lang kapag kulang ang pera ko at wala pang sahod, I pick pockets.”
He nodded. “Don't do that again. Your salary from me would be enough for you and the children. Don’t go around stealing other's salary. Tsk."
“Minsan nga lang. Kapag walang wala talaga. At hindi ko na gagawin yun noh. I promised myself I'd stop if I get a decent job and being a maid is not that bad basta malaki ang sahod. At yung extra payment ko ha? Wag mong kalilimutan.”
“Yeah yeah,” nangingiti na siya.
Yun naman talaga ang usapan ah. May mga extra payments ako for extra services. Hah! Hindi porke maid lang eh lahat na gagawin ko. No no no.
It's not that ‘pineperahan’ ko siya dahil may mga limitations naman talaga ang pagiging katulong. Depende na din sa usapan.
“Let's go.”
Eh? Nandito kami sa may parking lot ng isa sa mga tintingnan kong building noong isang araw ah? Dito siya nakatira?
Sabagay, sasakyan pa nga lang mahal na, syempre siguradong high end din ang bahay. Hayyy.
“Faster.” Nauna na kasi siya sa may elevator eh ako naglalakad palang.
“Eto na nga.”
At dahil ignorante ang babae, nakatitig sa may pindutan ng elevator. Hehehe hindi lang naman ngayon ako nakasakay ng elevator pero ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon para matitigan ito ng mabuti.
“What are you staring at?”
Ako yung nakatapat sa may pindutan tapos siya nasa tabi ko. Salamin pala kasi yung walls laya nakikita niya ako.
“Ah hehe hindi ko kasi alam gamitin yan ih.”
Tumaas ang kilay niya at tumaas ang sulok ng labi niya. Bumukas na ang elevator pero hindi siya nagsasalita.
Naglakad siya sa nag-iisang pintuan doon at ini-swipe ang card. Binuksan niya ito at dire-diretsong pumasok, hindi man lang ako hinintay hmp. Walang sense of hospitality?
“Feel yourself at home but don't try to bag anything," his tone was playful pero hindi ko din ito sineryoso.
“Gago, alam ko! Manderekwat ako pero hindi magnanakaw ng gamit. Duh.”
“Go cook us some breakfast.” Pumasok siya sa isang kwarto.
My eyes roamed his unit and I think its too minimal. Konti ang palamuti at ang mga furnitures ay wood. The only colors that can be seen are white, green and mostly brown. Hayyy. Parang walang nakatira.
Naglakad ako papuntang kitchen at nangialam sa mga gamit. Pati dito ang minimal ng design. Parang yung typical na kitchen ng mayayaman. At yung arrangement parang ganito din nung binili, hindi nabago man lang.
“Hoy Alcazaren!” binuksan ko na ang mga ref niya para magtingin ng pwedeng iluto.
“Yeah?”
“Anong iluluto ko?”
Kumuha ako ng bacon at eggs. “Whatever you like.”
Bakit ako?
Dahil sa sinabi niya, kinuha ko lahat ng gusto ko. Sabi niya kahit anong gusto ko eh.
Nagsimula na akong magluto. Hindi parin siya mahagilap kung saan. Narinig ko nalang ang pag-on ng tv sa may living room na nadaanan ko kanina.
“Oy kakain na.”
Hindi ko siya mapuntahan doon dahil inaayos ko pa ang lamesa at yung pinaglutuan ko kanina. Humagikhik ako. Siguradong-
“What the hell?!” parang pati buhok niya tumaas sa pagsigaw niya.