Eleven: Babe

2038 Words
Kahapon pa ako hindi kumikibo. Alcazaren was just smiling at me every time I tried to speak but no words came out. Hindi parin kasi ako maka-get over, shutanginers. Napahawak ako sa labi ko. Sheez, I can still feel his lips moving on mine and the tingles I felt. Tunganga lang ako kahapon nang hinatid niya at paminsan minsan nanunuya ang tingin. “Hello?” wala sa sariling sagot ko sa cellphone. “Alyse! Si Byron tinakbo namin sa ospital!” napatayo ako sa kama nang umiyak si mam Solen. “Byron po? A-anong nangyari sa kanya mam?” sinuot ko ang rubber shoes ko habang lakad takbong bumaba at naabutan si Manang Ofel na nagluluto ng mga ulam. “Lola, pupuntahan ko po muna ang mga bata. Si Byron daw po na-ospital!” Hindi ko alam ang uunahin, ang tawagan ba si Collosus o ang maghanap ng taxi. “Ha? O sige. Mag-iingat ka!” hinalikan ko siya sa pisngi at kumaripas na palabas para maghanap ng sasakyan. “Ano pong-o-ospital?” nangangatal ang boses niya nang sabihin ang pangalan ng ospital. Nagpaalam na ako para sana pumara ng taxi pero may humahagibis na sasakyan ang pumarada sa harap ko. Bumukas ang front seat at hindi ko na siya hinintay magsalita, pumasok na agad ako. “Are you okay?” maya-maya’y tanong niya. “No.” “Solen told me Byron was having fever since yesterday and they rushed him when it got severe just this morning.” Hindi ako kumibo dahil abala pa ako kung paano na sina Cesar. Umiyak kaya sila? Paniguradong siya na naman ang nagpapatahan sa mga kapatid niyang itinuring at nagpipigil ng sariling luha. “H-he was always the sickly one. Palaging siya ang madaling naaapektuhan ng sa-sakit. Hindi namin afford ang private hospital kaya kahit madaming pasyente sa public ay nagti-tiyaga kaming magsiksikan sa hallway.” Hindi pa kami pinapansin ng mga doctor noon. Busy daw ang mga nurse kaya matagal kaming naghintay bago may tumingin kay Byron. Nagka-ulcer siya dahil ilang araw silang hindi nakakain, bumabagyo pa kasi nung time na yon and I can't get out to check on them because we're busy saving our things with Manang. Pinuntahan ko sila agad nang medyo humupa ang ulan at dinalhan ng pagkain. “I already told Solen to put him in a private room, don’t worry. I'll take care of him.” Tumingin ako sa kanya. “Salamat, Collosus. Maraming salamat talaga.” Pinunasan ko ang luhang pumatak sa pisngi ko. Nabahala siya nang makitang nagpupunas ako pero nginitian ko siya. Nagpa-parking palang siya pero bumaba na ako ng sasakyan at tumakbo papasok ng ospital. Narinig ko ang sigaw niya ngunit hindi ko na siya narinig. Sinabi ng nurse kung ano ang room number niya kaya hindi ko na hinintay si Alcazaren para makalapit sakin. “Mam Solen, kumusta na po siya?! Ano pong sabi ng doctor?” naabutan ko siya sa labas ng kwarto ni Byron. Wala din ang mga bata. “Mabuti na raw ang lagay niya, Alyse. Buti nalang itinakbo namin siya ng maaga, lumala kasi ang fever niya at may mga rashes na rin. Ang sabi ng mga kalaro niya, palagi daw siyang nagtatago sa may balon sa likod ng ampunan tuwing naglalaro sila. Hindi na ginagamit yun kaya siguro pinag-bahayan ng mga lamok.” Naiyak si Mam Solen. Nanghihina ako napaupo sa may upuan doon. Isa-isang naglandas ang mga luha ko pero nabigla ako nang may mahigpit na brasong yumakap sakin. Mas lalo akong umiyak nang maamoy ko ang pamilyar na pabango niya. He's quiet whilst hugging me. Ganon ang posisyon namin ng ilang sandali, kumalas lang ako nang wala na akong mailuha. “Feeling better now? You need to be strong for the children.” Tinulungan niya akong punasan ang basang pisngi ko. “Me-medyo okay na. Salamat ah? Naabala ka pa tuloy.” “It's okay. Para sayo naman, kahit ano. I can even go live with-” Binigyan niya ako ng matamis na ngiti dahilan para makurot ko siya. “Ayan ka na naman. Nasa ospital tayo Alcazaren ha? Sapakin kita eh.” Natawa ako ng mahina. Though he's joking, gumaan ang pakiramdam ko. I know he's just trying to make me feel better pero okay na ako basta nandiyan siya. Unconsciously, I'm leaning on him now. His sincerity got me and I can see that he's being true to me. Hindi siya nagpapakitang-tao sa harap ko o kahit na sino. “Pwede na raw pumasok, Alyse.” Tumango ako kay Mam at liningon si Collosus. “Pasok na tayo.” His hands felt warm on mine when he helped me to stand and we entered the room. I tightened my hold when I gazed at Byron, his wrist attached to an IV. Ang payat niya parin kahit hindi naman na ginugutom. Umupo ako sa tabi ng kama at hinaplos ang kamay niyang hindi naturukan. “I'll talk to the doctor so don't mind his bills. I already took care of it. We'll just pray for his recovery, okay?” he tilted my head to look at him. Dahil nakatayo siya sa likod ko, tumingala ako sa kanya. He smiled and kissed my head quickly. “A-aaww. Hydra! Tsk.” Hawak niya ang tenga niyang namumula. “Gago ka kasi. Hindi dahil malungkot ako ngayon eh tsa-tsansingan mo na ako ha.” Umirap ako. “I wasn't! I'm just trying to be sweet.”aniya. Hinila niya ang isa pang upuan sa gilid at tumabi sakin. “Sweet mo muka mo.” Ilang oras pa ang lumipas bago nagising si Byron. Nandito na rin sina Cesar, Ralp, at Joey, mugto ang mga mata nila. Nagdala sila ng pagkain at nagpabili pa si Alcazaren kanina sa cafeteria. “Kain ka ng marami Byron ha? Wag kang mag-alala sa mga kapatid mo, hindi sila mahahawaan. Andito sina ate, babantayan ka namin hanggang sa okay ka na.” “Pinapalinis ko na ang likod ng building para matanggal ang mga stagnant water dun. Haharangan na rin ang masukal na parte ng kabilang lote.” “Good. Check the other children too, they might have drank contaminated water. Make sure they don't go too far to play.” “Yes, Sir. Hindi po namin hahayaang maulit pa ito.” Puno ng pagsisising sabi ni Mam. “Walang may gustong mangyari ito Mam, kaya wag nyo pong sisihin ang sarili niyo. Magtulungan nalang tayo para wala nang problema.” Tumango sya. “Ate, kailan po ako uuwi? Okay na po ako pero masakit po ang kamay kong may tusok.” Itinaas ni Byron ang may IV na kamay niya. “Hindi ka pa magaling, Byron. Sabi ng doctor io-observe ka pa daw nila at titingnan kung pwede ka nang makauwi. Konting tiis nalang ha? Iuuwi ka rin nina tita.” Mabait siyang tumango at nakipag-usap kay Solen. “Kuya, busog ka na? Akin nalang ang sobrang adobo.” Napatingin kami kay Ralp na hinihingi ang ulam ni Cesar. Sasawayin ko sana pero pinigilan ako ni Alcazaren. “Bakit?” “Let them. We have plenty, don't deprive the kid. Wala silang masyadong pagkain noon sa kalye kaya hayaan mo na.” alo niya sakin. Naibigay na ni Cesar ang pagkain niya kaya wala na akong magawa, tapos na nga rin naman siyang kumain kaya okay lang. Ang inaalala ko lang, ang pagiging mataba ni Ralp baka masobrahan. “Hindi naman, pero obese na yung bata, Collosus. Baka mamaya magka-problema sa kalusugan yan.” “We won't let that happen, Hydra. And…” May kinuha siyang tatlong piraso ng pulang rosas sa lamesa na hindi ko man lang napansin kanina. “Eh? San galing yan?” “Hindi mo ako masyadong pinapansin ngayon. I need my babe’s attention too.” Ngumuso ang gago kaya humagalpak ako. Ang cute niya na nakakatawa. “Pfft. Attention? Really? Hoy Alcazaren, wag mo nga ako pinagloloko.” Mas lalo siyang napanguso. “It's true… I wanna get jealous of Joey but I understand…” hinawakan niya ang kamay ko at nilaro. I can't help but stare at him, mesmerized. This freaking guy fell in love with me and I'm baffled why. Anong nagustuhan niya sakin gayung hindi nga ako matagalan ni Jeff momma's boy? “Sagutin mo na kasi ako…” his brows are close together but he's pouting. “Ang cute cute mo hahaha at wala pang isang buwan nang manligaw ka tapos sagot agad? Walang ganun, pfft.” “Tss. I'm not cute, Hydra. At kailangan bang isang buwan ang panliligaw? I mean, I really like you and you like me too, why can't you just say yes and be my girlfriend? A month is… too f*****g long.” “Hala! Nagmamadali ka? O sige kung gusto mo, maghanap ka ng liligawan mo na sasagutin ka kinabukasan. Hah! Gago neto.” Sabi ko habang nangingiti parin. Hindi siya nakatingin sakin kundi dun sa kamay niyang nilalaro ang kamay ko. His touch is affectionately electrifying and I can feel how overwhelming his touch was. Magaspang ang malaking kamay niya pero mainit. “I don't mean it like that. I just can't wait to spend more time with you and a month of wooing is going to delay our time together…” “At pano kung di kita sagutin?” hamon ko sa kanya at biglang nainis ang mukha niya. “Hydra! Tss. I won't let you. Sasagutin mo ako at sasagutin mo ako. No other options.” Hindi niya nakita ang expression kong nakangiti. Uhm, Alcazaren takes no for an answer, noted. Nagulat ako nang humiga siya sa lap ko. This private room has a sofa kaya dito kami nakaupo at natutulog na rin. Dahil siguro sa puyat, nakatulog agad ang gago. “Sleep tight, Alcazaren.” Hinaplos ko ang buhok niya. “Ate… alis na po kami. Balik po ulit kami bukas para bumisita. Inaantok na po kasi kami, lalo na si Ralp, madami kasing kinain.” “O sige, Cesar. Bantayan mong mabuti ang mga kapatid mo para hindi sila magkasakit at matulad kay Byron. Kahit nandiyan ang Mam Solen ninyo, ijaw parin ang laging kasama ng mga bata kaya paki-bantayan mo na rin.” Marahan kong bilin sa kanya. Madali siyang tumango. “Opo, ate. Babantayan ko na po sila at hindi na hahayaang magkasakit.” Nagpaalam din sina Mam Solen kay Byron at tahimik na lumabas nang makitang tulog na tulog si Alcazaren. Pipikit-pikit din si Byron kaya sinabihan kong matulog na. I relaxed my head on the sofa and closed my eyes to rest for a little bit, letting myself give in. Nabangon ako nang maramdaman ang lamig sa balat ko. Sinulyapan ko ang nasa kandungan ko at tulog parin ito, sobrang pagod siguro. Si Byron din, nakatagilid sa amin. Inabot ko ang jacket ko sa malapit na lamesa at pinatong kay Alcazaren. Pinagmasdan ko siya. “Ang lakas talaga ng loob mo ‘no? Alam mong hindi pwede ang gusto mo pero pinipilit mo parin. Tss, gago.” Hindi ako nahihiyang kausapin siya dahil hindi siya nakatingin sakin. Ang lakas kasi ng kabog ng puso ko kapag nagsasalita ako tapos nakatitig siya, nauutal ako. “Hayy. Ang gwapo gwapo mo at sobrang yaman pa kaya nagtataka talaga ako kung bakit sa isang taga-squatter ka nagka-gusto. Manderekwat pa at hindi nakapag-aral. Magmura nga lang ang alam ko eh.” I chuckled a bit. Even if he can hear me, I don’t care as long as he's not looking at me. Kahit ang pisngi ang kinis. Tinalunton ng daliri ko ang hugis ng ilong niyang matangos. “Mas maganda ka pa siguro sakin kapag naging babae ka hehe.” “Alcazaren… I think I'm falling for you too. But…I have so many what ifs. Natatakot ako, Collosus. Siguro, tingin mo sakin, ang tapang tapang ko sa labas 'no? Ang dami kong kinatatakutan kapag ikaw ang kasama ko at ang lakas ng t***k ng puso ko. Kaya ko sana eh…” I sighed. “Ang daming rason para hindi ko kayanin. Sa sobrang dami, baka pati si Einstein hindi makahanap ng solusyon.” Napatawa ako, walang pakialam kung nakikinig man o hindi ang gago. Wag lang siyang dumilat o magsalita, talagang iinit ang mukha ko sa hiya at masapak ko siya. “I wonder… how are as a boyfriend? Are you strict? O gentleman ka ba?... or bastos ka ba? Right! You're a p*****t!” napalakas ang tawa ko kaya medyo gumalaw si Alcazaren, medyo nakakunot-noo. “Hehe sorry.” I lulled him to sleep through patting his shoulder. Inayos ko pa ang jacket ko sa katawan niya pero mas lalo siyang naglikot. He suddenly opened his eyes and spoke languidly. “Uhm, babe…” "Tss. Babe ng babe, gago."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD