“We're going to get groceries today. I'll fetch you.” May pinalidad na sabi niya.
“Hindi pa ako bumabangon. Hindi ka na naman ba papasok?” humikab ako sa telepono. “Tss. I'm coming early, we're going to eat breakfast outside.”
Tiningnan ko ang oras. “Ang aga pa, Alcazaren. Mag-order ka nalang muna ngayon…”
“Hydra please. I'm starving.” Narinig oo ang pagdampot niya ng kung ano. Susi ata. “Shuta naman oh. Sige na, maliligo na ako.” Pinatay ko na ang tawag at sinubsob ang mukha sa unan. Kainis naman oh.
“Oh Alyse, kain ka muna. Maaga pa oh, tsaka matagal ka na ring hindi kumakain ng luto ko, nagtatampo na ako.” Kunwaring nagdabog si manang Ofel.
Hindi na kasi ako kumakain dito bago pumpunta sa condo ni Alcazaren. Lulutuan ko pa siya ng breakfast tapos sabay na kaming kumakain kaya dapat maaga. Ang gago naman kasi ayaw kumain pag hindi ako kasabay. He reasoned out that he's been eating alone for a very long time kaya ngayon gusto niyang may kasabay. Mas masaya daw kasi kumain nang may kasama, he only learned that when I joined him for breakfast for the first time.
“Manang naman, alam mo naman ang boss ko diba? Masyadong demanding. Mag go-grocery daw kami ngayon kaya hinihintay ko siya. Sa labas nalang daw kami kakain sabi niya. Pero wag ka mag-alala, next time, talagang kakain na po ako bago pumasok hehe”
Ngumunguso-nguso pa siya pero kalaunan ay ngumiti na din. “Ikaw Alyse ha. Tingin ko nahuhulog na ang amo mo sayo. Sa mga kwento mo at sa ginagawa niya para sayo, mukhang may pagtingin na eh.” Nawala ang ngisi ko.
“Hindi pwede manang. At tsaka, ano ka ba manang, magkaibigan lang kami nun ‘no. At kung sakali mang totoo yan, babatukan ko siya!” kinurot niya ako ng mahina at tumawa kami.
Yes. I want us to be just friends if ever manang has a point. I can see something in the way he treats me but I refuse to acknowledge it. Not now.
“Alyse talaga o. Pero mukha namang mabait ang binatang yon, at hindi rin matapobre. Kung totoo man na tama ako, pagbibigyan mo ba kung totoo siya?” hindi agad ako nakasagot.
Honestly, I don't know. What I'm certain is, ayokong maging topiko ng mga tao. I don’t want to hear any painful prejudices from the people on his side. Yes, I don't care but my heart do.
“Ewan ko manang. Hindi ako sigurado.” Lumamlam ang tingin sakin ni manang. “Ang tadhana ang magdedesisyon, Alyse. Kung talagang pareho kayo ng nararamdaman at naninindigan, hindi ito gagawa ng paraan para magkalayo kayo kundi para mas maging matatag ang ang relasyon ninyo.”
I pondered over what she said. I can't really answer her right now. Ayokong pangunahan ang hinaharap dahil alam kong nagbabago ang lahat. I kept silent for a while.
Nang marinig ko ang pagkumusta ni manang sa kararating, ibinalik ko ang sigla sa mukha ko. Ayokong mag isip ng kahit ano ngayon.
“Alis na ba kayo, iho?” tanong ni manang.
Nginitian ko siya at binati. “Aga natin ngayon ah.”
“Is it okay if we just eat here?” nagulat ako.
“Talaga? Sige ba. Manang, adobo po sakin.”
Tinulungan ko si manang maghanda ng pagkain. Extra jolly si manang dahil nandiyan si gago. “Same with me , manang.”
“Eh? Ayaw mo ng kaldereta?”
“That too.” Tumawa siya.
Napanganga ako saglit sa mukha niya. Ish nakakagigil talaga ang gago kapag tumatawa, sarap kurutin ng pisngi. “Ang gwapo naman ng kaibigan mo, Alyse.” Ngumisi si manang.
Nilapitan ko siya at inakbayan. Magka height kami dahil nakaupo siya sa may stool. “Gwapo nga eh. Diba bro?”
Humagalpak ako ng tawa nang malukot ng husto ang mukha niya. Pati si manang nakitawa. Alcazaren can't cuss because manang is here kaya wala siyang ginawa kundi ngumiwi.
“Joke lang, Alcazaren. Swerte nga ako kasi nakabunggo ako ng kaibigang katulad mo. Kahit kadalasan feeling ko ginagago mo ako hehe” I gave him my most sincere smile. Kumunot ang noo niya at nang ibuka niya ang bibig para magsalita, naunahan na ni manang.
“O kain na kayo habang mainit init pa. Baka matagalan kayo sa pupuntahan ninyo. Hala sige na.”
I sat beside him and ate silently. Awkward pero normal lang ang mga galaw ko. “Ano bang bibilhin pala natin?” tanong ko nang matapos.
“Food. I know nothing about this so you'll accompany me.”
Nagpaalam kami kay manang at binayaran niya ang kinain namin. Ayaw niya nung una ngunit mapilit ang Alcazaren na 'to kaya kinuha na ni manang. Bubuksan niya sana ang shotgun pero natigilan ito. Pinasadahan niya ng tingin ang suot ko. Plain shirt, denim shorts and chelsea boots.
Regalo pa sakin ni manang last Christmas ‘to and I nearly cried when she gave it to me. Alam niya kasing gustong gusto ko yun pero mahal kasi. Binili niya daw itong nang mag sale ang isang online shop.
“Do you always go out like this?” iminuwestra niya ang damit ko habang naka kunot-noo.
“Ano na naman ba? Masyado bang pangit? Kung gusto mo wag nalang tayong magsabay. Tutal ako naman ang katulong kaya pwedeng mauna kang pumasok. Kaka gago ka-“
“It's not that.” Mariin niyang sabi tapos pumikit. “You're just too damn hot.” Tinulak niya ako paupo at binagsak ang pintuan. Naupo ako doong nakatunganga. Did I heard that right? Hot? Ako?
Hah! Matagal ko ng alam!
Pero dahil galing sa kanya, it has a different effect on my system. It gave me warm fuzzies in my chest. Ngiting ngiti ako habang papasok kami ng mall. Lahat ng babae halos mapatigil sa ginagawa para lang matitigan si Alcazaren. Napailing nalang ako. Kahit saan talaga, malakas ang hatak ng gago. Jeans lang naman at t-shirt pero gwapo parin ang mokong.
I was a little embarrassed walking by his side so I slowed down a bit, hoping he wouldn't notice. Hinigpitan ko ang hawak sa sling bag ko pero nang mahuli ako ng isang hakbang ay liningon niya ako.
“What are you doing?”
“Hehe wala. Nakakahiya kasi.”
“Kasi? You don't want to be seen with me?” humalukipkip siya, naiinis.
“Oo-ay hindi. Pinagtitinginan ka naman kasi. Syempre nahihiya ako.” He scoffed.
“Why? I'm not the one who's been ogled at. Tss. Bilisan mo na maglakad kung ayaw mong kaladkarin kita.” Hinawakan niya ang kamay ko at hinila.
I cannot concentrate on walking because of our intertwined hands. My heart is thumping hard, I'm afraid it would come out. Hindi ko ikinakaila na may gusto ako sa kanya but I just can't. Hindi ako manhid at hindi ko rin idedeny. Ayaw ko lang bigyan ng pansin ito. Gusto kong magkaibigan nalang kami.
With that thought, I untangled our hands and just held his palms. Tiningnan niya ako pero kumuha na ako ng cart nang makapasok sa may grocery. Tinulak ko sa kanya.
“O ikaw magtulak, ako mamimili hehe” tumitig lang siya sakin. Walang reklamo niya itong tinulak
Nagsimula kami sa dry goods. Kumuha ako ng noodles, canned goods at yung mga palaman. I also included my favorites, hindi pasimple dahil alam kong alam niya ang mga gusto ko. Kumuha ako nung goya na palaman at yung sa may lady's choice. Tahimik lang siya habang salita ako ng salita at lagay ng lagay. Sa kanya naman kasi ito, makikikain lang ako hehe.
Pagkatapos niyang magbayad ay lumabas na kami. Bumalik muna kami sa parking para mailagay ang pinamili namin tapos nag-aya akong bumalik. Wala parin siyang sinasabi.
Hinila ko siya sa may bilihan ng ice cream.
“Vanilla po sakin, salamat. Ikaw?”
“Ikaw ang bahala.” Matabang niyang sagot.
Oh? Anyare dito?
“Uh, magsi-CR lang ako.” tinuro ko ang comfort room. Naiihi kasi talaga ako.
“Okay.”
I did my thing inside and washed my hands. Pagbalik ko, napatago ako sa may gilid ng isang botique nang makita kung sino ang kasama niya.
Lashana is talking to Alcazaren when I saw them.
“I-I'm leaving for California next week. I, ahm, just want to talk to you for the last time. Please, Zaren.”
Hindi ko alam kung ilang beses nang nagsorry ang babaeng ‘to pero shuta naman, gasgas na yan. Tsk.
Aalis na pala siya? Kung ganun, kailangan talaga nilang mag-usap. Ninja moves ulit. Naglakad ako paatras, may nabangga pa nga ako. Humingi ako ng sorry at binilisan ang paglakad. Sorry nalang Alcazaren. Para sa future mo ‘to!
Nag window shopping ako sa mall. I jumped from stall to stall. Hanggang tingin nalang ang pinupukol ko sa mga gusto kong damit from the different haute couture. Ang mamahal naman kasi, sobra. Kahit nga boardwalk di ako makabili, yang mga yan pa kaya.
How can they be so expensive? Yes, the quality is superb but can they just sell it with a more reasonable price? I understand that the designers are famous and the design along with the shiny stones cost a lot, but is it enough to market a single dress with a price that can cater a hundred of homeless children? Pwede namang wag nalang lagyan ng swarovski and damit ah? The dress will still look good without it. Tss. I really don't get it.
Ilang oras pa akong naglakad lakad bago ko naisipang silipin ang parking kung andun pa yung sasakyan niya. I was expecting it to be gone but I nearly banged my head on the post when the familiar sports car is still there, no sign of being touched.
Ang lakas ng t***k ng puso ko habang tinatahak ang daan pabalik kung saan ko sila nakitang nag-uusap.
Shutanginers!
There, on of the steel chairs, I saw him with his head hung low. Napansin ko din ang hawak niyang paper bag, nakatatak ang isang mamahaling brand. Nilapitan ko siya.
“Ano pang ginagawa mo dito? Akala ko umuwi ka na?” his head shot up in an instant.
Parang gusto kong umiyak nang makita ang pagod niyang mga mata. Biglang nawala ang emosyon sa mukha niya nang mamukhaan ako. s**t!
“Where have you been?” malamig ang boses niya.
Nanginig ako. “A-ah, nag-ikot la-lang. Akala ko hi-hinatid mo si Lashana. Narinig ko kasing gusto niyang makipag-usap sayo k-kaya…”
Pinipigil ko ang hininga ko. Para akong sinasakal ng tingin niya, nang-aakusa na parang ang laki ng kasalanan ko. Ang sakit ng dibdib ko.
“Let's go.” Nilampasan niya ako.
Mali ba ang ginawa ko? Damn. Baka nga.
Hindi niya ako pinapansin. Ilang sulyap ang pinukol ko sa kanya pero hindi nalang din nagsalita. Galit kasi ang mukha. Hinayaan ko nalang. He carried all the grocery items and walked straight into his building.
“Cook a lot. We're going to the orphanage.” Utos niya nang nilalagay ko na ang mga ito sa may ref. Tumango ako, natatakot magsalita.
Tangina, kailan pa'ko natakot? Holdup-er nga pinipingot ko ang tenga tapos… hayyy.
The tension and silence when we're eating made me very conscious. Ang ginawa ko, binilisan ko ang pagkain pati ang paghuhugas ng pagkain.
“Miss Alyse! Hindi naman kayo nagsabi na pupunta pala kayo dito ni Sir. Hindi tuloy napadali ang paglilinis.”
“Okay lang Mam. Bibisitahin lang po namin ang mga bata, nagdala din po kami ng pagkain. At Alyse nalang po Mam Solen hehe”
Mas matanda sakin si Mam Solen. Guro siya ng mga bata dito at nagbabantay na din. Nag volunteer siya pero may sahod naman din. Gustung gusto niya kasing magturo ng mga batang ulila dahil isa rin siya sa mga ito
“Maraming salamat Alyse, Sir Zaren. Halina kayo, nandun sa likod ang mga bata, naglalaro. Katatapos lang nila mag-aral. Siguradong namimiss na nila kayo.” Iginaya niya kami at nang makita kami nina Cesar na naglalakad ay nagtakbuhan na sila.
“Ate Hydra! Namiss ka po namin!”
“Na miss ko din kayo, sobra. Kumusta na ang mga boys ko? Hindi ba kayo nag-aaway away? Cesar?”
Nagkwento na sila isa isa. Alam na nilang magsulat ng mga pangalan nila at mas lalo daw dumami ang kinakain ni Ralp. Pfft. Si Alcazaren naman, tahimik. Nakikipag-usap sa mga bata at ngumingiti rin pero tipid.
We watched them eat tapos nagpahinga sila sa may kubo, kung saan kami nakaupo. “They look si happy.” Simula ko.
“Mm. You think their parents regret that they left them?”
“Hindi ko alam. If I were to talk, I won't forgive them.” He looked at me.
“Why?”
“Walang mabuting magulang ang mag-aabandona sa musmos na anak sa kahit anong dahilan. Hindi rason ang kahirapan para hayaan ang mga bata sa lansangan na maghirap para lamang mabuhay. There are millions of mothers praying for a child but here are irresponsible moms, leaving their children to starvation.”