1 Pumapanguna

728 Words
Katulad nang lahat ng magulang sa pilipinas o asia, pangarap ng mga magulang ni Joy na kunin niya ang kursong medikal sa kolehiyo. At katulad nang kalahati ng populasyon ng mga anak na may magulang na may parehas na pangarap, ayaw ni Joy mag-doktor. Kahit araw-araw ito binabanggit sa kanya; sa hapag kainan, kapag papasok, at minsan kapag nanonood lang ng telebisyon. "Si Ned licenced doktor na. Ikaw na lang hindi." Sabi ng nanay niya sa litrato [ng pinsan niya] na ipinost ng tiyahin niya sa peysbuk. Kung alam lang nila kung gaano ito ngumuwa sa ibang social media nito dahil hindi niya nakamit ang pangarap niyang kurso, film. Nakita niya ang mga litrato rin na kinukuha nito at ang mga bidyo nilang ilang minuto lang pero. Iba ang pagkakatatak sa kanya. Naalala niya pa rin ang mga linya roon, isang voice over ng boses ni Ned sa credits, kung mapupunta ako sa impyerno paniguradong ang ordinaryong araw ko ang ipapakita sa akin ni Santanas, ang araw-araw na pagbangon ko sa kama at ang hinagpit na hindi ko ipinaglaban ang gusto ko. Simula nung mapanood niya ang dalawang minutong pelikula ng pinsan niya sa youtube [na siya lang may alam na ito ang may-ari, ni kailan man ay hindi niya ipinakita ang mukha niya] pinangako niya sa sarili niya na hinding-hindi siya magiging katulad niya. Gagawin niya ang gusto niya. Kukunin niya ang fine arts. Kaya kahit ayaw nang mga magulang niya na kumuha siya ng dorm malapit sa benilde at tumira mag-isa, wala na silang nagawa nang agaran niya inilipat ang mga gamit niya roon nang walang paalam. Ginamit niya ang pera na dapat tuition fee sa UST at pinangbayad sa La salle, ang mga naiwan naman ay pinang renta niya sa dorm niya. Matagal na niya itong pinaghahandaan kaya hayskul pa lang rumaraket na sa mga part time job. Kung sakali man na hindi bayaran ang kanyang eskwelahan dahil sa ginawa niyang iyon, may naimbak na siyang pera. Pero buti kahit matigas ang ulo niya, patuloy pa rin siyang sinuportahan ng magulang niya. Ayun nga lang, ilang buwan na siyang hindi kinakausap o binibisita. Isa sa agad na ginawa niya ay ang i-bleach ang kanyang buhok at kulayan ito nang pinakamatingkad na orange. 'Yung parang nang-aasar pag nakikita siya sa daan. O kaya reflector sa kalye pagkatatawid na ikinatuwa naman niya. Matagal niya nang gustong gawin 'yun ngunit hindi niya magawa dahil nga bawal ang super makulay na buhok sa med, dapat natural colors lang. 'E hindi naman siya nag-med. At sa fine arts, halos kalahati ng estudyante may kulay ang buhok. Masaya siya! Para siyang nasama sa group of rainbows. Isang beses nga nagpicture ang mga blockmates niya, kasama niya, in order ng ROYGIV. Ginawa niya itong header sa twitter account. She belong in this place, alam niya. Magkahalong inggit at tuwa si Ned nang magkita sila. Halos hawak-hawakan nito ang makulay nitong buhok bawat minuto. Gusto niya pero hindi p'wede. Alam na alam niya kung gaano nito kagusto magpakulay ng buhok.  Alam niya sa oras na makita ng mga magulang niya ang buhok niya baka atakihin ito sa puso. Kaya nga rin pinili niyang lumayo para magawa ang gusto.   Ang pangalawa niyang ginagawa ay ang piercing, dalawa agad sa tenga kahit perstaym. Tawang tawa si Rosy, blockmate niya, sa nakangiwing muka ni Joy. Mahigpit pa ang hawak niya sa kamay nito. Pinagtitinginan sila ng mga naglalakad sa mall, sa isang normal na jewelry shop lang kasi ito nagpabutas. Sa mall.  "Kaya pa?" Tumango siya. Oo, kaya pa. Di naman masiyado masakit. At dahil nga hindi masiyado masakit, nagpanose piercing pa siya mga pagkatapos ng dalawang buwan. Hanggang sa nadagdagan nang nadagdagan. Tulala nanaman si Ned sa kanya nung nagkita sila. Tuwang tuwa naman si Joy sa imahe na ginawa. Kahit ang mga damit nito ay pinalitan niya, over-sized shirt. Mga krus. Anong tawag sa style niya? Gothic. Grudge. Sa haba at diretsong buhok niya, muka siyang the grudge na orange.  "Cheetos. Kwek-kwek. P'wede ka na ipalit sa traffic light." Sarkastimo lang siyang ngumisi lang sa pang-aasar sa kanya ni Rosy, "Kapag ba madilim tapos tumatawid tayo, makikita ka kaya nila? Grabe, savior. Amen, Boss Ligaya." Talaga naman kasing agaw pansin ang orange nitong buhok kahit saan siya magpunta. Alam niyang gusto ng mga prof palabasin siya sa klase dahil naiistorbo ito at panay napapatitig. Isama mo pa ang tangkad niya. Mabilis hanapin sa kasiksikan ng divisoria. Pero ayun ang dahilan kung bakit orange. Magpapansin. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD