Nakamasid ako sa kanya habang may mga reportes na iniinterview siya. Sabik na sabik kong pinapanuod ang bawat kilos niya. Ang bawat pagkibot ng kanyang bibig. Tama si Ate Makie. Napakalaki ng ipinayat niya. Wala ng kabuhay-buhay ang kanyang mga mata. Wala ng kasigla-sigla ang kanyang boses. Muli kong pinunasan ang luha na tumulo mula sa aking mga mata. Tinakpan ko ng palad ko ang aking bibig saka ako impit na umiyak. Kung puso ko lang ang susundin ko baka kanina pa ako nagpakita sa kanya. Baka kanina ko pa siya sinugod ng yakap. Baka kanina ko pa siya hinahalikan. Ngayon ko natiyak na siya nga si Sandro. Ang aking si Sandro. Pero nagdadalawang-isip ako. Nagdadalawang-isip ako dahil nahihiya ako. Labis ang hiya na nadarama ko sa sarili ko dahil napakadali kong nauto. Dahil napakadali kon

