"Sandro! Ano ba ang nangyayari sa’yo?! Dahil lang sa babaeng ‘yun nagkakaganiyan ka na? ‘yun ba ang ipinagpalit mo sa akin ha?! Ilang buwan palang kayong nagsasama ganiyan ka na kadesperado ngayong iniwan ka!" Tungyaw sa akin ni Angela. Hindi ko siya pinansin at ipinagpatuloy ang tahimik kong pag-inom. "Damn you, Sandro! Move on! It has been a month! Wag mong sayangin ang buhay mo sa walang kwentang taong ‘yun!" Muli niyang bulyaw. Kumalembang sa tenga ko ang sinabi niyang ‘yun kaya tumayo ako at hinawakan siya sa magkabilang braso. "Wala kang karapatang tawagin siyang walang kwenta! Ako ang walang kwenta kaya niya ako iniwan, naiintindihan mo ba?! Ako ang walang kwenta!" I screamed at her face. Itinulak ko na siya palayo bago ko pa siya tuluyang masaktan. "Umalis ka na." Utos ko sa kan

