CHAPTER 06

1180 Words
Nakakaintriga naman ang lalaking ito. Oo, asyana siya. Pero hindi naman ganoon ka-obvious. Ang sabi ng iba ay mestisa siya tingnan. Mga tipong hindi purong mukhang Pilipina talaga. Pero paano nito nalaman agad na isa siyang Pinay? O baka naman hinuhulaan lang nito? "Tell me, Niccolo?" pag-uulit niya ng tanong sa binata. “I’m sorry. I must’ve overheard a bit when you talked on the phone during lunch. I’m familiar with different languages because I travel a lot.” Tumango na lamang siya sa sagot nito. “It’s alright. If it wasn’t for that I wouldn’t have gotten free chocolate cake, right?” Sabay silang nagtawanan ni Niccolo. Hindi man niya aminin pero ramdam niyang pareho sila ng wavelength ni Niccolo. Despite their differences, she still felt a connection with him. Hindi maikakailang komportable siya sa lalaki. “Abbey!” Muntik na siyang mapatalon mula sa kinauupan nang marinig ang boses ng isang lalaki. Agad siyang napalingon sa kanyang likod at nakitang papalapit sa kanila si Jock. “Jock…” Hinawakan siya ng lalaki sa kamay kaya naman agad siyang pinatayo. “C’mon, let’s get out of here,” matigas na utos ni Jock. “T-teka!” bulalas niya dahil sa halos hinihila na siya ni Jock palayo. “Sandali lang Jock!” Hindi niya maintindihan ang pagdilim ng mukha nito habang nakatingin sa kausap niya kanina. “We need to go, Abbey!” pamimilit pa ni Jock. Hinila niya ang kamay mula rito. “Ikaw ang nagset ng oras ng pag-uusap natin pero late ka. Tapos ikaw pa itong may ganang madaliin ako.” Sinipat ni Jock si Niccolo pagkatapos ay ibinalik sa kanya ang tingin. “Let’s just get out of here.” Iyon lang at naglakad si Jock palabas ng bar. Siya naman ay sinulyapan si Niccolo. “I have to go, Niccolo. Nice talking to you,” paalam niya sa lalaki. “I enjoyed talking with you too. But are you sure you’re okay? That one’s pretty intense,” sagot naman nito. Sinulyapan niya si Jock na tiimbagang na naghihintay sa kanya. “He’s fine. I guess I have to go now. See you around.” “See you, Abbey.” Isang ngiti ang namutawi sa labi ni Niccolo bago niya ito iniwan. Agad naman niyang sinundan si Jock na nakatayo sa labas ng bar at hinihintay siya. “Hindi ka ba nasabihan ng nanay mo na ‘don’t talk to strangers’?” bungad sa kanya ni Jock nang makalapit na siya. Hindi niya maintindihan ang pinagpuputok ng butsi nito. “What do you mean?” “That guy! You shouldn’t talk to him. Hindi mo siya kilala.” “At ikaw? Kilala mo siya? Wala namang ginagawang masama ‘yong tao. Nag-uusap lang kami!” “Malay mo ba kung may masamang plano ‘yon sa’yo. Mag-ingat ka nga!” “Nag-uusap nga lang kami! At saka magalang naman si Niccolo. Wala itong pinapakitang masama sa akin.” “Niccolo? So you’re close now?” Inaamin niya. Naiimbiyerna na siya sa inaakto ni Jock. “Ano bang problema mo, Jock? Let’s just get into the point. Bakit mo ako gusting kausapin?” Kung anong ingay ni Jock kanina nang pinagsasabihan siya tungkol kay Niccolo ay ganoon naman ito katahimik nang tanungin na niya sa totoong rason kung bakit nito nais siyang makausap. “Bakit ka natahimik? Tell me, Jock. Why do you want to talk to me?” Nakita niya ang malalim na paghugot ni Jock ng hininga bago tumitig sa mga mata niya. “Abbey…” Hindi niya alam pero bakit bigla siyang kinabahan sa uri ng pagtitig sa kanya ni Jock. Tama ba ang nakikita niya? Is it longing in his eyes? Ipinilig niya ang ulo. No. Of course not. It can’t be… “Jock… what is it?” “Abbey, I—” “Babe? Abbey?” Sabay silang napalingon ni Jock sa ‘di kalayuan at nakitang naglalakad na papalapit sa kanila si Monique. Nang makalapit na ay ipinulupot na nito ang braso sa kasintahan. Maling-mali pala ang naisip niya kanina. Assumera siya para isiping baka may gusto sa kanya si Jock. But it’s not the case. Si Monique lang ang para kay Jock. She has no right. Alam niya iyon. Pero hindi niya mapigilang maiinggit muli sa kaibigan. “What are you two doing here?” tanong ni Abbey. Nagkatinginan sila ni Jock. Para bang naghihintayan sila kung sino ang magsasalita. Pero bago pa man niya maibuka ang bibig ay nagsalita na ang lalaki. “Kakausapin ko sana si Abbey kaso nahuli mo na ako babe. Itatanong ko sa kanya kung anong magandang iregalo ko sa’yo sa kasal natin.” It hurts her pero mukhang iyon na nga ang gustong sabihin sa kanya ni Jock kanina. Ipinulupot ni Monique ang braso sa kasintahan. “Awww… nai-spoil ko pala! Sana ‘di na lang ako bumaba, babe.” “That’s fine, babe. Samahan mo na lang ako. Ikaw na ang mamili ng gusto at bibilhin ko. Kahit ano,” anas ni Jock kay Monique. Napasinghap naman ang kaibigan. “Talaga, babe? Oh my God!” At tulad ng dati ay naglaho na naman ang kanyang presensya sa dalawa. Kapag magkasama ang mga ito ay parang hindi na siya nag-eexist. Ilang sandali pa ay nagpaalam ang mga ito at pupunta raw sa isang shop ng hotel. Mukhang may naisip na si Monique na gustong ipabili kay Jock. Sa huli ay nakatayo na lang si Abbey habang hinatid ng tingin ang dalawa. “He doesn’t deserve you…” Napaangat ng mukha si Abbey at nakitang nasa tabi na pala niya si Niccolo. What the hell? Bakit lagi na lang itong sumusulpot? “I… I don’t know what you’re talking about,” pagkukunwari niya. “You like him. But he likes your friend.” Agad siyang umiling. “It’s not like that.” “Don’t tell me you like your friend?” “What? No! I’m not a lesbian.” “Then you like the guy.” Napailing na lang siya upang hindi na mangulit pa si Niccolo. Mukhang effective naman. Hindi na ito nagsalita. Instead, he handed her a small card. Napatitig siya sa maliit na card na yari sa plastic. Para iyong calling card na nakalagay ang ngalan na Niccolo Moretti, Moretti Holdings Company Limited. Naroon din ang numero ng lalaki. “What is this?” “My calling card.” “W-why are you giving me this?” napatitig siya sa card. Hindi kaya gusto siyang ikama nito? “Hey! I’m no w***e. I’m not like that!” angil niya. Tumawa si Niccolo. “Of course not! You’re too pretty to be one.” “So what’s this?” “Something that you can use. Treat it as a lifeline. A wish card.” “A what?” Ngumiti muli si Niccolo at saka siya tinitigan sa mata. “You heard me, Abbey. If you need anything, just use this card.” He leaned closer until his lips are near her ears. “When I say, anything. I mean, ANYTHING.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD