Nagising na mag-isa si Abbey sa isang silid. Halos walang laman ang kwartong iyon maliban sa isang kama na may unan at kumot. May banyo ang kwarto pero walang pinto. Ang isang pinto ay sarado. Hindi niya ito mabuksan mula sa loob. Ilang araw na kaya ako rito? Pinilit ni Abbey pakalmahin ang sarili. Kanina pa kasi malakas ang kabog ng kanyang dibdib. Nag-aalala siya sa kung anong pwedeng mangyari sa kanya. Pati na rin kay Monique na hindi niya alam kung saan ngayon. Diyos ko. Sana iligtas mo kami. Hindi niya inaasahan na ang tulad ni Jock pa ang gagawa sa kanya ng masama. Pinagkatiwalaan niya ang lalaki. Tinuring na kanang kamay. She even fell for him once! Tapos ganito pala? Ganito ang kaya nitong gawin sa kanya? Gustong mapaiyak ni Abbey pero nagpipigil lang siya. She’s Galvani’s le

