Nakakabingi ang katahimikan sa loob ng dining hall. Naroon si Abbey kasama si Jock na finally ay bihis na bihis na at siyempre, sina Niccolo at Monique na di maipinta ang mukha sa sobrang gulat ng naabutan. “What brings you here, Monique?” tanong niya. Since wala namang nagsasalita ay siya na ang bumasag sa katahimikan. “Are we just gonna ignore what Niccolo and I saw earlier?” tila di makapaniwalang sabi ni Monique. Napahalukipkip pa ito habang nagpalipat-lipat ng tingin sa kanya at kay Jock. “My god, Monique. That was nothing!” bulalas ni Jock. Bakas sa mukha nito ang pagkapahiya. “Monique,” tawag niya sa babae, “I was only there to talk to Jock. He’s working for me.” “I didn’t even know he’s working for you,” naiiyak na sabi ng babae. “We we’re talking over the phone and you didn’t

