Napag-alaman ni Niccolo na kakaiba si Abegail or Abbey kesa sa kapatid nito. Bukod sa iba ang hitsura ay iba pa ang trato ng ina sa magkapatid. Hindi rin magkamukha si Abbey at ang kanyang mga magulang. Tuloy ay mas tumitindi ang nararamdaman niyang simpatiya para kay Abbey. Bukod pa iyon sa unti-unting pagnanais ng puso niyang maging si Sienna na lang sana ito. Oo. Mali ang pangaraping mabuhay ang patay na. Pero kung si Sienna iyon, baka nga ay papatusin niya ang pangarap na iyon. Ngayon pang mas nagkakaroon siya ng mga pagdududa sa pagkatao nito. Una ay hindi ito mukhang pure na Pinay. Mestiza si Abbey. Ikalawa ay kamukha ito ni Mama Abegail niya. Hindi nakita ang mga labi ng mga ito dahil naanod na raw sa dagat. Isang posibilidad na buhay ito. Pangatlo ay si Franco. Ang ama ni A

