Muling napatingin si Abbey sa mga mata ng matanda. Hindi pa rin makapaniwala si Abbey nasa pinto ng den ang kanyang lolo- si Don Antonio at muli siyang tinatanong. Gusto tuloy niyang bawiin ang sinabi. Pero kaya pa ba? Eh kahit mukhang lugmok ito sa sakit ay hindi naman ito nababawasan ng talino. Mabilis pumick-up ang kanyang lolo. Doon yata siya nagmana. Kaya naman kahit ayaw pa sana niyang ipaaalam ay wala siyang magawa. Isang tango ang kanyang isinagot. “Are you sure?” tanong ng kanyag lolo. Napaka-seryoso ng mukha nito habang nakatunghay sa kanya. Hininhintay ang kanyang sagot. Si Jock naman ay ganoon din. Tila hindi ito gumagalaw sa kinauupuan. Nakatitig lang sa kanya. Napabuntong hininga nalang si Abbey. Hindi rin naman niya masisisi ang mga ito kung ganoon na lang ang curiosity.

