Hindi makaniwala si Abbey sa narinig. Niccolo wants her back. She heard him right, he wants her back! Sa dinami-dami ng mga nangyaring sorpresa nitong nagdaang mga araw, ito na yata ang pinakamabigat. An amnesiac Niccolo wants to fix their marriage. Isang bagay ni sa hinagap ay di na niya maisip na mangyayari pa. Agad pumasok sa isip niya ang imahe nilang tatlo ni Baby Anthony. Isang masayang pamilya. Isang bagay na hindi niya naranasan habang lumalaki siya. Pwede pa ba? Pero natigil ang ilusyon ni Abbey nang pumasok sa isip si Sonya. Can she handle it kapag bumalik na ang memorya ni Niccolo? Bakit ba ang advance mong mag-isip, Abbey?! Oo nga naman, ang advance ng mga pumapasok sa isip niya. Ang kailangan lang naman niya ay ang tulong ni Niccolo sa pagpapatumba ng mga Moretti. Sa ngay

