"YOU actually are the same. You and Sonya. You're very similar." Hindi maintindihan ni Abbey ang mararamdaman sa narinig mula kay Lana ang mga katagang iyon. It was her last words before they parted. Kinailangan na kasi siya sa loob. Sinundo siya ni Luigi para sa hapunan. Ngayon tuloy ay para siyang nakalutang sa hangin habang naglalakad pabalik sa mansyon. Hindi niya alam kung anong iisip at mararamdaman. “Luigi,” tawag niya sa lalaki na nasa tabi niya. Kasabay niya ito na pabalik na sa party. Tumigil si Luigi at nilingon siya. “Yes, Signora?” “Tell me, Luigi. Were Sonya ang Niccolo together before?” prangka niyang tanong. Bakas naman ang pagkabigla sa mukha ng lalaki. “W-where di you hear that?” tanong nito sa kanya. Umiling siya. It doesn’t matter. I just want to know.” Nakita

