Umiling siya at saka nilipat ang atensyon sa lalaki. “Totoo ba? Anak ninyo?” Bakas ang panlulumo sa mukha ni Niccolo. “Yes, Abbey. Anak namin ni Sonya.” “Kakapal ng mukha. And for sure, pinaako mo kay Stefano?” tanong ni Abbey sa babae. “Siyempre. Pero kahit anong gawin mo Abbey, nabilog ko na si Stefano. Wala na iyong paniniwalaan pa kung hindi ako lang.” “Tama na ‘yan, Sonya!” sigaw ni Niccolo. Pagkatapos ay hinila siya ng lalaki palabas ng kwartong iyon. Natagpuan na lamang ni Abbey ang sarili sa isa pang kwarto. “Tangina, Niccolo! Bakit mo ako niloko?” paghuhumiyaw ni Abbey. “Hindi kita niloko. Oo, gusto ako ni Sonya. Pero ang bata lang ang mahalaga sa akin.” “Ano ako, bulag? Naghalikan kayo!” “She kissed me! I didn’t do anything!” “Tangina Niccolo?! Wag mo akong gawing tang

