JOCK is also part of a mafia clan. He’s serving the Galvanis . Shit! Hindi alam kung anong iisipin ni Abbey. Lahat na lang ba ng makita niya ay ituturo pabalik sa buhay mafia? Pati ba naman ang dati na niyang kaibigan na si Jock ay parte rin nito? Ano bang nangyayari? Hindi kaya’t paggising niya ay malalaman na lang niya na may dugo na rin siyang mafia? Ganoon kasi ka-shocking ang mga pangyayari. Nakakaloka na rin eh! “Are you okay?” tanong sa kanya ng asawa. Tumango lang siya at saka huminga nang malalim. Yumakap siya sa lalaking kalong-kalong siya ngayon. “Bakit ang gulo, Niccolo? Bakit ganito?” She heard Niccolo sigh. “I don’t know, babe. Baka sinusubok lang tayo?” “Lahat naman yata ng relasyon ay sinusubok, hindi ba?” Totoo naman din ang sinabi niya. Ganoon naman talaga lahat n

