Simula kaninang pagalis niya hanggang ngayon ay wala akong text na nakuha galing sa kanya. Ayoko naman siyang i-text. Hindi naman din ako umaasa dahil hindi niya obligasyon na i-text ako.
Iyong nangyare kagabe? Alam kong wala din naman iyon sa kanya. Kailangan kong tanggapin iyon dahil nagpaubaya ako.
Pinatulog ko muna si Samuel ng humiga na ako sa kama ko. Hindi ako nagtrabaho sa bar ngayon dahil napagusapan namin ni Gab na kailangan ay may kahit isang maiwan sa bahay na kasama si Samuel.
Tumunog ang cellphone ko na nakatago sa ilalim ng unan ko.
From Tross :
Still awake? I just got home.
Napalunok ako ng makita ko ang text niya. Matagal ko itong tinitigan hindi alam kung ano ang sasabihin. Muli ay tumunog ito.
From Tross :
Can I call?
Naghumerantado sa bilis ang t***k ng puso ko. Hindi pa ako nakakareply ng tumunog itong muli dahil tumatawag siya. Nataranta ako bigla at nasagot ito. Kabadong kabado ako itinapat ko ito sa tenga ko.
" He-Hello?"
" Did I wake you up?" He asked in his husky tone. I shut my eyes tight and took a deep breath.
" Hi-Hindi naman. Kakahiga ko lang." I heared him heaved a sigh. " You sound so tired?" Hindi mapigilang tanong ko.
" Yeah.." sagot niya sa namamaos na boses.
" Sa office?" Umupo ako sa kama dahil hindi ako mapalagay. Sobrang kinakabahan ako ngayong magkatawag kami. Bakit ganito iyong nararamdaman ko?
" Some important things..." I hope alam ko kung anong importanteng sinasabi niya.
" O-Okay..." sagot ko na hindi malaman kung ano ang sasabihin.
" I'm sorry I didn't text you." Napakagat ako sa aking labi. Hindi ko alam kung bakit punong puno ng kaligayahan ang dibdib ko.
" It's okay." Tipid kong sagot. Para na akong sasabog sa kinakaupuan ko. Nananaginip ba ako?
" You should sleep now."
" Ikaw din mukhang pagod na pagod ka." Pero gusto ko pa siyang makausap. Baka kasi hindi na maulit ito.
" Yeah, but I want to see you." Hindi ko na napigilan ang pag-ngiti ko.
" Ako rin." Nanlaki ang mata ko at napatakip bigla sa bibig ko. Nasa isip ko lang iyon ngunit naisatinig ko. " Ka-kailangan na natin matulog Tross."
Wala akong narinig na sagot sa kanya kundi ang malalim na buntong hininga.
" Goodnight Sapphira." Napapikit ako ng marinig ang napapaos na boses niya ng banggitin ang pangalan ko.
" Goodnight Tross." Pinatay ko na ang tawag at hindi ko napigilan tumili sa unan ko. Kanina ko pa gustong ilabas ito. Nagpagulong gulong ako sa kama.
Sobra sobrang kaligayahan ang nararamdaman ko. Hindi ako makatulog dahil iniisip ko pa siya. Inlove na nga ba ako? Nakakabaliw pala ang ganito. Bigla nalang akong ngingiti ng hindi alam ang dahilan.
Para akong timang na hindi mapakali sa higaan ko. Kailangan ko ng matulog dahil maaga pa ang pasok ni Samuel bukas.
Dinilat ko ang mata ko ng may tumatawag nanaman sa cellphone ko.
Tross Calling...
Bakit siya tumatawag? Akala ko ba matutulog na siya, hindi din ba siya makatulog tulad ko?
Kinakabahan ako ng sagutin ko ang tawag niya. "He-Hello?" Kinagat ko ang labi ko dahil sa panginginig ng boses ko.
" Can I see you?" Marahan niyang tanong.
" Hah?!" Napaupo ako sa aking kama.
" I just want to see you before I go to sleep, nasa labas ako ng bahay niyo." Nanlaki ang mata ko at dali daling tumayo.
" A-Ano? Sa-sandali lang!" Mabilis kong pinasadahan ng tingin ang mukha ko sa salamin at mabilis ding lumabas ng kwarto.
Kabadong kabado ako. Sumilip ako sa bintana at nakita ko siyang nakahalukipkip habang nakasandal sa kotse niya. Nakayuko ito habang ang dalawang kamay niya ay nasa kanyang mga bulsa. Nakasuot pa ito ng damit niya kaninang bago kami naghiwalay.
" Tross..." halos bulong nalang na lumabas sa bibig ko ng pagbuksan ko siya ng gate.
He looked at me, then to my whole body. His eyes became darker and wild. Umiwas ako ng tingin, I was wearing my black nighties and it reveal more skin dahil medyo maikli ito.
Bumalik muli ang tingin niya sa mga mata ko at pagod na pagod ang mga ito. Kahit pa ngumiti ito ay hindi nito natakpan ang pagod sa mga mata niya.
" Pasok ka." Mabilis ang kanyang pagiling. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking pisngi. May mga paru parong nangingiliti sa aking tyan.
Ang malaki at maiinit niyang mga daliri ay naglandas sa aking pisngi. Napapikit ako.
" Hindi naman ako magtatagal. I really need to see you." Iminulat ko ang aking mga mata. Dinama ang mga salitang sinabi niya.
Nakita ko ang pagtaas baba ng adam's apple niya bago niya ako ginawaran ng mababaw na halik. Pagkatapos noon ay ipinagdikit niya ang aming mga noo.
Nagwawala ang sistema ko sa nararamdaman ko. " Now I can sleep." Aniya bago muli ako gawaran ng maiinit na mga halik na mas lumalim ang mga ito.
Ang kanyang kanang kamay ay hinawakan ang likod ng ulo ko upang mas lalong idiin ako sa halik na ibinibigay niya, at ang kaliwang kamay naman ay nasa aking likuran.
Hindi ko mapigilang kumapit sa kanyang damit dahil sa panlalambot ng aking tuhod. Heto nanaman ako nawawala sa mga halik niya. Huminto siya at dahan dahan tumingin sa aking mga mata.
" Sleep now, Sapphira." Napakagat ako sa aking ibabang labi, at tumango ng marahan.
Tinitigan niya muna akong mabuti bago niya ako pinakawalan sa yakap niya. " Pumasok kana. I want to see you safe before I go home."
" O-Okay, magiingat ka." Ayoko pa sanang pumasok ngunit mukhang wala siyang balak umuwi kung hindi muna niya ako makikitang pumasok sa loob ng bahay. Sinara ko ang gate at pumasok na sa loob bago muli siyang tinignan. Kumaway pa ito bago siya pumasok sa kotse niya.
Sinarado ko ang pintuan namin at sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Humiga akong muli sa kama habang hindi mapigilan ang aking mga ngiti. Sobrang sarap ng tulog ko at hindi ko maintindihan kung bakit sobrang saya ng pakiramdam ko.
Hindi ko mapigilang kumanta habang pinaghahanda ng almusal si Samuel.
" Goodmorning anak." Bati ko kay Samuel at hinalikan ito sa noo. Kinukusot pa nito ang kanyang kaliwang mata.
" Nay ano pong meron?" Nagtatakang tanong ni Samuel.
" Wa-Wala naman anak. Bakit?" Ewan ko ba kung bakit kahit sa anak ko ay kinakabahan akong sumagot. Masyado kasing mapanuri ang mga mata niya, na kahit na masyado pa siyang bata para maintindihan ang lahat.
" Ang saya saya niyo po kasi ngayon, tapos po e parang nagniningning ang paningin niyo."
" Hah?!" Natawa nalang ako at tumayo ng maayos. " Nako malalate kana! Kumain kana dyan."
" Opo nay." Sagot ng anak ko.
Hinatid ko na sa kanyang paaralan si Samuel at nagdecide ako na magpass muli ng resume sa iba pang mga company. Hindi na ako umuwi ng bahay at hinintay ko na ang uwian nina Samuel para sabay na kaming umuwi.
Lagpas tanghalian na din ng makauwi kami, pagod na pagod ako at sobrang gutom. Tulog pa si Gabrielle ng makauwi kami hanggang matapos kaming kumain ng anak ko. Buong hapon ay inabala ko ang sarili sa paglilinis ng bahay. Panaka naka ay sumusulyap ako sa cellphone ko baka may tumatawag o nagtetext. Wala naman.
" Ah! Sakit ng ulo ko!" Sabi ni Gab paglabas niya ng kwarto niya habang hawak ang ulo nito. Nakaupo kami ni Samuel sa sala habang nanonood ng cartoons.
" Uminom ka ba kagabe?" Hindi ko mapigilang tanong ng lumapit ako sa kanya at amoy alak ito.
" Oo nagkatuwaan kasi kagabe, birthday nung isang guest. Kaya ayan pinainom kami. Hindi ako makatanggi!" Naiinis na sabi nito at dumaretso sa kusina.
Nadatnan ko siyang umiinom ng tubig sa kusina. Nagulat pa ako ng malakas nitong ibinaba ang baso sa lamesa.
" Ano ba nakakagulat ka naman!"
" Naalala ko nga pala Sapphira..." anito at tumingin ako sa kanya na huminto sa pagaayos ng buhok niya at nanlalaki ang mga mata nito.
" Ano?!" Naiinis kong tanong.
" Yu-Yung kaibigan ni Sir Jackson." Ngayon ay napukaw niya ang buong atensiyon ko sa sinabi niya.
" Napano si Tross?" Nagaalala kong tanong. Ngumiwi ito at mabilis na umiling sabay wave pa ng kamay sa harapan ko.
" Hindi! Hindi si Sir Jackson. Iyong kaibigan niya, si Sir Adam." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Inalala kung saan ko nga ba narinig ang pangalan niya. " Nagcrash ang helicopter na sinasakyan nito sa dagat around Visayas." Napahinto ako at napaawang ang bibig ko sa masamang balita na nalaman.
Napatakip ako sa aking bibig. " A-ano?!"
Nagbuntong hininga si Gab. Ngayon naalala ko na iyong Adam, nakikita ko siya madalas kasama nina Tross noon sa bar.
Malungkot itong tumango. " His family decided to keep it private to have a faster investigation." Tumingin siya sa akin at nagtaas ito ng kilay. " Hindi mo alam?" Nagtatakang tanong nito.
" Hi-Hindi. Pano mo nalaman?"
" They keep it private but they are still popular. Marami silang kaibigan sa showiz at iyon ang hot news kagabi pa!" Kuryoso akong tinignan nito. " Hindi mo alam? Hindi sinabi sayo ni Sir Jackson?"
Natahimik ako sa kanyang tanong. Naalala ko iyong importanteng bagay na ginawa niya. Ito ba iyon? Kaya ba sobrang busy niya?
Naninimbang ang bawat titig ni Gabrielle sa akin. Nagkibit balikat ito. " Kung sa bagay bat naman niya sasabihin sa iyo. Kaninang umaga they flew to Visayas with his close friends..." aniya at tumingin muli sa akin " ...at iyong Trinity ba iyon?"
Nanigas ang buong katawan ko sa sinabi ni Gab. Hindi ako nagpakita ng kahit ano mang reaksiyon sa aking mukha. Papano niya alam si Trinity?
" May usap usapan sa bar na iyon pala ang fiancée ni Sir Jackson. Ipinakita lang sa amin nung isang modelo na girlfriend daw ni Sir Gio iyong stolen picture noong nasa airport sila bago umalis."
May bumara sa aking lalamunan, hindi ako makapagsalita. Hindi ko pa naiikwekwento kay Gab ang relasyon na nabubuo sa aming dalawa ni Tross at mukhang hindi pa nagsisimula ay tapos na ito. Umiwas ako ng tingin at mapait na ngumiti.
" Ayoko sanang maniwala e, kaso doon sa picture nakaakbay si Sir Jackson sa kanya. Kilala mo ba yun bakla?"
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko o isasagot ko sa sinabi ni Gab. Alam ko tinitimbang niya ang reaksiyon ko. Nagbuntong hininga ako dahil naninikip ang dibdib ko. Nanunuyo ang lalamunan ko sa nalaman ko.
Gusto kong magpasalamat sa tumawag kay Gab ng dahil doon ay naglakad siya patungong sala upang sagutin ang tumawag sa kanya.
Natawa ako ng pagak. Nanlalambot man ay kinuha ko ang cellphone ko na nasa bulsa ko. Binuksan ko ito at kahit text o tawag ay wala akong natanggap sa kanya. Wala siyang nasabi sa akin na aalis siya ngayon at hindi niya naikwento kagabe ang nangyare. Wala akong alam.
Hindi niya ba masabi dahil kasama niya si Trinity? Ang fiancée niya? Ngayon tapos na ba ang sa amin? Oo nga pala, wala nga palang kami. Nanlalambot akong naupo sa upuan. Nagiinit ang bawat sulok ng aking mga mata. Nagbuntong hininga ako at pinipigilan ang sarili. Ang sakit sakit ng pakiramdam ko.
Nakahiga na ako sa kama ng panaka nakang sumisilip ako sa cellphone at baka may text ito. Hindi ko ito maiwan dahil ayokong ma-miss ang call niya na hindi naman dumating.
Naglakas loob akong tawagin siya. Yakap yakap ko ang unan ko ng hinihintay na mag-ring ang kabilang linya. Nanikip ang dibdib ko ng cannot be reach ang telepono niya.
Inulit ko itong muli at talagang nakapatay ang cellphone niya. Nang makailang ulit na ako at wala pa din ay saka na ako nanlambot.
Totoo kaya iyong sinabi ni Gab? Pero hindi naman magsisinungaling si Gabrielle sa akin. Then bakit hindi sinabi sa akin ni Tross ang mga nangyayare?
Cause they want it to keep it private? Kaya hindi niya masabi sa akin? Ano ba ako sa kanya?
May lumandas na mainit na likido sa aking pisngi.
" Bat ka umiiyak Sapphira?" Naiinis na tanong ko sa sarili ko.
Para pa akong pinagloloko nito dahil mas lalong bumuhos ang luha sa aking mukha. Ayoko na ulit makadama nang ganoong kaligayahan, kung may kapalit naman na hindi matutumbasang sakit. Una palamang alam ko na. Pero heto parin ako umiiyak.
Maaga akong nagising upang gawin ang routine ko. Muli ay nagpass ako ng resume sa may malapit na coffeeshop at fast food.
" Hendrix buti napasyal ka dito?" Takang tanong ko ng makita ko siyang nasa tapat ng bahay.
" Tumatawag ako sayo, kaso nakapatay yata cellphone mo." Napahinto ako sa sinabi ni Hendrix.
Naalala iyong ibinigay niya sa akin at sinabing kailangan hindi ko ibibigay kahit kanino ang numero ko.
" Ahhh..." napatango nalamang ako at sinulyapan ang dala niyang mga paperbag.
" Ibibigay ko lang sana ito kay Samuel. " aniya at ngumiti ng lumitaw mula sa likod ko si Samuel.
" Hello po Tito Hendrix!" Masayang bati ng anak ko at nagmano pa ito dito kaya naman natuwa lalo si Hendrix.
" I have something for you." Ani Hendrix at lumuhod pa para ipakita ang dala niyang mga laruan. Manghang mangha si Samuel at hindi napigilang yakapin si Hendrix.
Napangiti ako sa aking nakita. Sobrang saya ng anak ko. " Thank you po Tito Hendrix!" Sabi nito at sabay na silang pumasok sa gate.
Hindi ko na napigilan si Samuel dahil tumakbo ma ito sa loob ng bahay sabay nilang binuksan ni Hendrix ang dala nitong mga kotseng laruan.
Halos magdadalawang linggo na at hindi pa rin tumatawag si Tross. Wala din ang mga kaibigan niya sa bar, ni isa sa kanila ay wala akong nakita. Kahit isang text ay wala akong nakuha sa kanya.
Pinipilit na kalimutan nalang siya. Siguro ganoon talaga, ako lang ang umasa sa aming dalawa. Lahat ng mga nangyare sa amin kasalanan ko iyon dahil hinayaan ko siya. Hindi ako lumaban at naging mahina ako.
Madalas na din bumisita si Hendrix para laruin si Samuel, madalas ay uuwi nalang siya kapag mag-gagabi na.
" Oy bakla! Tulala ka dyan?" Puna ni Gab sa akin habang nakatayo ako sa labas ng bar at hinihintay siya upang makauwi na kami.
Napakurap ako sa sinabi ni Gab. Naalala iyong nangyare sa kaibigan ni Tross.
" Gab ka-kamusta na pala iyong naikwento mo sa akin na kaibigan ni Tross?" Kuryoso akong tinitigan ni Gab.
Nagbuntong hininga ito at naglakad patungo sa kotse kaya sumunod ako. Pumasok siya sa loob kaya pumasok na din ako.
" Wala ng balita e." Tipid na sagot ni Gab sa akin. Nagbuntong hininga ako.
Kung totoo man iyon, bakit hanggang ngayon wala p siya. Kailangan ko na bang masanay na wala siya? Bakit kasi ako umasa, ano yung mga halik na iyon?
Bakit sa twing hahalikan niya ako, sa twing hahaplusin niya ang balat ko ramdam ko ang pagmamahal niya?
Tinabi ko na iyong cellphone na binigay niya. Hindi ko na din chinarge at itinago ko nalang sa cabinet. Bibili nalang siguro ako ng bago kapag nakapag luwag luwag ako. Tutal ay hindi ko naman madalas ginagamit.
" Sapphira, okay lang ba kung magdinner tayo mamaya?" Tanong ni Hendrix nang makatulog na si Samuel.
Napatingin ako sa pinto ni Samuel na ngayon ay nakasara. " Isasama natin si Samuel." Dugtong niya pa ng mabasa ang gusto kong sabihin.
" Nakakahiya naman sa iyo Hendrix, alam ko marami kang ginagawa. Masyado na kitang naaabala." Mabilis siyang umiling at matamis na ngumiti kaya lumabas ang mga dimples nito.
" It's nothing Sapphira, you don't have to worry. "
Nahihiya na ako kay Hendrix madalas siyang bumisita ngayon, madami pa siyang dalang pasalubong para kay Samuel.
" Hendrix, kung iniisip mo na dahil sa iyo kung bakit pati ako nadama-"
" I know Sapphira it's my fault. But right know, I really just want to have dinner with you. " Nagkatinginan kaming dalawa ni Hendrix at nakikita ko sa mga mata niya na sincere siya sa sinasabi niya.
" Don't worry my treat. Susunduin ko kayo mamaya ni Samuel." Magsasalita palang sana ako ng kumaway na ito sa akin upang lumabas ng bahay.
" Hendrix nakakahiya!" Habol ko sa kanya ng nasa pintuan na ako.
" Susunduin ko kayo. See you then..." pahabol na sigaw nito sa akin bago pumasok sa kotse niya.
Napabuntong hininga nalamang ako at napailing dahil wala na akong nagawa. Pagkagising ni Samuel ay inayusan ko na ito ng kahit semi-formal na damit at least makita man lang niya na naghanda kami.
Naligo na ako at naghanap ng masusuot. Nagpagkasunduan ko na magsuot ng dress, silky nude halter dress ang napili kong susuotin na ibinili sa akin ni Gab noong nakaraang buwan, saka nalang ako nagsandals.
Kinulot ko din ang ibabang bahagi ng buhok ko at naglagay ng konting powder sa aking mukha. Lahat ng gamit ko ay kay Gab lahat ng ito. Saka nalang ako magpapaalam paglabas ko.
Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin, nagsisi kung bakit ako naghanda masyado sa araw na ito dahil baka akala ni Hendrix ay masyado akong excited. Pero ang totoo ayoko lang naman na mapahiya siya sa ibang tao dahil hindi ko pinaghahandaan ang pagalis namin.
Date? Hindi, magdidinner lang kami. Hendrix is a good friend. Minsan napapaisip ako bakit hindi ko nalang kaya ibaling sa kanya ang pagtingin ko? Kung titignan mo, he is a good man. Pero hindi ko naman pwedeng pilitin ang sarili ko. At alam kong kaibigan din ang turing niya sa akin.
Paglabas ko sa kwarto ay nasalubong ko si Gab na hindi pa nakaayos at mukhang may trangkaso dahil walang tigil ang pagubo nito, nakamask pa ito at may hawak na tisyu.
May hawak pa itong baso ng kape at tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. Tumaas ang kilay nito na wari mo ay nagtatanong.
" Inaya kasi kami ni Hendrix na kumain sa labas." Mabilis na depensa ko.
" Bakit hindi kapa nakabihis hindi ka ba pupunta sa bar?"
Umubo muna siya at saka umiling ng mabilis. " Mukhang lalagnatin kasi ako, nasabi ko na din kay Auntie kaya kailangan ko munang magpahinga."
" Ah ganoon ba! Uminom ka na ba ng gamot Gab? A-Ako nalang muna papalit sayo."
" Bukas nalang, my date kapa ngayon baka magalit si Sir Hendrix sa akin." sabi pa nito at umupo sa sofa katabi ni Samuel. " Pwedeng wag mo nalang isama si Samuel, ako nalang magbabantay."
Tumingin ako kay Samuel na katabi nito. " Opo nay, okay lang po ako dito. Kawawa naman po si Tito Gab kung wala siya kasama."
" Ahhh... Ang sweet talaga nitong binata namin!" ani Gab at saka niyakap si Samuel.
" Bakla ano ba baka mahawa yan."
" Ay sorry..." Ibinaling niya sa akin ang tingin niya.
" Saka Gab, hindi date yun. Kakain lang kami sa labas."
" Edi date yun, pwede ba Sapphira hindi ako ipinanganak kahapon!"
Napairap ako sa sinabi ni Gab at alam kong hindi na ito magpapatalo pa. Kaya sumuko nalang ako sa pagpapaintindi.
" Kahit ano isipin mo bahala ka!"
Sa kalagitnaan ng pagtatalo namin ay narinig kong tumatawag na sa labas si Hendrix.
" Yan na pala date mo.. " Tawa ni Gab at naubo pa.
" Tss.." umiling nalang ako at nagtungo na sa labas.
Sumabay sa akin ang dalawa at mas excited pa yata sa akin.
" Sir Hendrix, ipapaiwan ko si Samuel kung okay lang." Sabi ni Gab paglabas namin.
" You can join us Gab."
" Ay hindi na po! Inuubo kasi ako. Nakakahiya naman kung makakaistorbo pa ako sa inyo." Sagot nito at makahulugan niya akong tinignan.
Umiwas ako ng tingin at tumingin sa suot ni Hendrix. He was looking good on his dark blue long sleeve polo and black pants. Now I did not regret wearing this dress because at least hindi ako mukhang nakakahiya sa tabi niya.
" Tumahimik ka nga dyan Gab!" naiinis kong sagot kay Gab at siniko pa ako nito.
" Sus, sige na umalis na kayo." Napangiti si Hendrix at pinasadahan ako ng tingin.
Nakaramdam tuloy ako ng hiya, kita ko sa kanyang mga mata ang pagkamangha. Ilang segundo pa niya ako tinitigan bago bumaling kay Gab.
" Enjoy your date!" Habol pa nito.
Tinapunan ko ng masamang tingin si Gabby na ngayon ay ngumiti ng nakakaloko.
" Sure , thank you." At tuluyan na ngang bumalot ang hiya sa akin dahil hindi man lang siya nagprotesta sa sinabi ni Gab na date nga ito kaya mas lalo niya akong inasar sa ngiti niya.
Napabaling ako kay Hendrix ng ipinalupot niya ang kamay niya sa bewang ko at iginiya ako palabas ng gate.
Kabado man dahil sa hiyang nararamdaman ay nagpatianod ako. Ngayon parang gusto ko nalang umurong, baka isipin niya na iniisip ko na date nga ito. Wala akong ibang inisip kundi ang kakain kang kami sa labas.
Nagayos lamang ako dahil every time na aalis kami ni Hendrix ay hindi ko napapaghandaan. Lalo na at maraming elite people din ang nakakakilala sa kanya.
Pero kahit ganoon hindi ko naramdaman na may agwat sa pagitan naming dalawa ni Hendrix, he is so humble and a nice person. Kung maaari lamang ibaling sa iba ang nararamdaman ginawa ko na.
" You looked gorgeous tonight, Sapphira." Ani Hendrix at pinagbuksan ako ng pinto.
Hindi ako makapagsalita sa sinabi niya, I know I should be thankful. Napapikit ako ng isara niya ang pinto. Bakit hindi ko maramdaman sa kanya ang mga bagay na nararamdaman ko kay Tross.
Bakit pakiramdam ko may hinahanap ako, masaya ako oo. Pero hindi katulad kapag siya ang kasama ko.
Bakit hindi nalang iba Sapphira? Why we have to take a risk kahit alam natin na matatalo tayo? Kahit alam natin na wala na? Bakit tayo umasa sa bagay na alam nating wala tayong chance?
Masakit isipin na natapos ang sa amin ng ganon ganon lang. Ganoon pala iyon, parang gusto mo nalang hanapin sa ibang tao ang kaligayahan na ibinigay niya sa iyo. Pero kapag hindi mo naramdaman, patuloy kapa din masasaktan sa pagalis niya. Patuloy kapa din aasa at maghihintay na babalik siya.