Ang tahimik dito sa Mansion. Nandito ako sa living room habang nag-hihintay na maghain ang mga kasambahay ng pagkain sa dining room. Hindi nila inasahan na maaga ako ngayon uuwi at gutom na ako dahil sa daming trabaho.
Kaya ayokong umuuwi dito, sobrang tahimik. Kaso, no choice, simula ng mawala sila Mom and Dad dito na ako nag-stay dahil malapit ito sa Villamor Company na iniwan din nila sa akin.
Haay. Nakaka-inis! Imbis ang sarap ng buhay ko noon dahil wala akong responsibilidad at puro bakasyon at mangolekta lang ng babae ang ginagawa ko eh.
Hindi ko na kailangang magtrabaho pa dahil sa sobrang yaman ng pamilya namin siguradong hindi mauubos yun kahit pa tumanda ako pero ngayon kailangan ko itong pamunuan sabi ng scretary nila Mom and Dad.
Pero kung may pinag-sisisihan ako sa pagkawala nila Mom and Dad ay iyun ang pagiging pagpapasaway ko sa kanila. Kailangan pang mawala sila bago ko pamunuan ang Negosyo namin. Siguro sobrang saya nila ngayon kung makikita akong seryoso sa pamamahala ng Negosyong iniwan nila.
Malapit ng lumabas sa mata ko ang luha ng makita ko nanaman ang buwisit na babaeng ito. Bella daw ang pangalan nito. Hindi ko maintindihan kung bakit ba ito nandidito sa Mansion gayong ito ang dahilan ng pag-kaaksidente ng mga magulang ko.
Bella’s point of view:
“Bakit nandito ka pa din?! Hindi ka ba talaga maka-intidi na ayaw kitang makita??”. Bakas sa guwapong mukha nito ang galit habang sumisigaw.
“Hindi na maibabalik pa ng pag-iyak iyak mo ang buhay ng Mommy at Daddy ko!!” Singhal nito.
Wala akong magawa kundi ang umiyak at umalis.
Umalis sa harap nito dito sa Mansion pero hindi sa lugar na ito dahil pinagbabawalan ako ng Secretary ng mommy at daddy nitong guwapong lalaki.
“Ilang beses na ba akong tumakas sa Mansion na ito?” Naibulong ko sa sarili habang palayo sa galit na lalaki.
Kung alam ko lang na nandito na siya sa Mansion, hindi sana ako bumaba ng kwarto ko para kumain.
Bakit kasi ang aga niya. Iniiwasan ko na magkita kami dahil puro masasakit na salita lng naman sinasabi nito sa akin ata wala akong choice kundi tanggapin yun dahil nakakulong na ata ako dito sa Mansion.
Unang beses akong nag-paliwanag sa kanya na hindi ako ang naghatid kina Senyora sa Hospital, hindi na niya ko pinatapos at hindi na pinansin pa.
Ganoon yata pag mayaman, wala ng pakialam sa paliwanag ng iba.
Personal kong kilala ko si Senyora Mildred at Senyor Rolando Villamor pero isang beses ko lang narinig sa mga ito na nag-iisang anak lang daw nila si Señorito Miguel at walang balak na pag-aralan ang kanilang Kumpanya bilang tagapagmana. Wala na daw silang pag-asa na makita pa ang apo sa anak nila dahil sa hindi nito pagseseryoso sa mga naging karelasyon.
Hindi ko naman pinapansin iyon pero bakas sa kanilang mukha ang lungkot noong araw na iyon.
Mabait silang mag-asawa dahil kahit na mahirap lang si Nanay at Tatay, itinuring nila itong kaibigan.
Nagka-kilala daw sila sa Opening Party ng itinayo nitong bahay ampunan para sa mga batang wala ng pamilya at nag-iisa na lang sa buhay. Naka-gaanang loob daw nila Senyora sila Nanay at Tatay dahil sa pagmamalasakit sa mga batang nasa ampunan.
Teacher kasi ang kurso ni Nanay pero hindi na nagtuloy magtrabaho dahil sa pag-aalaga sa aming magkakapatid. Kaya dito siya nagtuturo sa bahay ampunan. Si Tatay naman ay may puwesto sa palengke at ito ang maliit naming negosyo kaya nakaka-survive kami sa pang-araw araw na gastusin pati sa pag-aaral.
Naalala ko pa noong sinabi ni Senyora na pag-aaralin niya daw ako hanggang makapagtapos para naman dw hindi gaanong mahirapan sila Nanay at Tatay.
Sayang lang at nawala na sila. Hindi na nito ako mabibigyan ng sponsorship para sa aking pag-aaral.
Haay. Tanaw ko mula dito sa pool ang dining room at kumakain na ang dragon. Dragon ang ginawa kong nickname ni Señorito dahil mukha talaga itong dragon kapag galit kahit pa napaka-guwapo talaga nito.
Miguel’s POV
“Manang, bakit nadidito pa din yung babae na yun?” Nakasimangot kong tanong sa mayordoma namin.
Ito lang ang kinakausap ko dahil siya lang ang kilala ko sa aming mga maid. Hindi na iba si Manang Rosa sa amin.
“Iyan po ang bilin ni Ma’am Jean dahil sumusunod lang daw siya sa mga binilin ng iyong mga magulang”.
Si Tita Jean ang tinutukoy nito na Secretary ni Mommy. Pero hindi ko maintindihan kung bakit ito ipagbibilin ni Mommy kung ang babaeng yun ang dahilan ng pagkawala nila Mom and Dad?
Tahimik na lang akong kumain at pumunta na sa aking Kuwarto para matulog na dahil pagod na ako sa trabaho.
Hindi ako maka-tulog dahil iniisip ko kung paano mapapa-alis ang babaeng iyon dito sa Mansion.
Tinawagan ko ulit si Tita Jean. Nakaka-ilang tawag na ako dito at pinuntahan ko na din sa bahay nito pati sa office ng Hospital na pag-aari nito noong nakaraang araw pero hindi ko ito makausap tungkol sa mga bagay na ibinilin daw ni Mommy.
Baka nalungkot din ito sa pagkawala ng best friend niya at gustong mapag-isa. Hindi pa kami nag-kikita.
Tanging ang mga doctor at staff niya lang ang nag-abot sa akin ng abo nila Mom and Dad dahil hindi agad ako nakauwi ng bansa noong araw na na-aksidente sila. At nagulat na nga lng ako na nandito na sa Mansion ang babaeng iyon.
Ang sabi ni tita Jean si Bella daw ang tumulong kina Mom and Dad na dalhin sila sa Hospital pero hindi ako naniniwala.
Baka siya ang dahilan ng kanilang pag-ka aksidente dahil siya ang huling kasama ng mga ito. Galit ako sa kanya at wala akong tiwala.
Hindi ko din naman ito kinakausap dahil naiinis ako sa mukha niya. Hindi ko maintindihan kung bakit siya nandidito. Ano naman kung siya ang naghatid sa magulang ko sa Hospital? Hindi yun dahilan para dito siya tumira.
Hindi talaga ako maka-tulog kahit pagod na ako.
Bella’s POV.
Natanaw kong kinawayan ako ni Manang Rosa, tanda na kakain na ako. Tapos na kasi si dragon eh. Dapat talaga sabay kaming kakain, iyon ang bilin ni Ma’am Jean sa akin bago niya ako iiwan dito sa Mansion noon.
Dito daw ako titira habang nag-aaral pa. Kaya nalungkot ako noong nalaman ko na wala na sila Senyor at Senyora.
Nagulat ako noong malaman ito at nalungkot. Hinihintay ko si Tita Jean para makaalis na ako dito dahil ayaw naman ako paalisin ng mga guard at kasambahay dito.
Wala din naman akong cellphone pra kontakin ito. Haaay.
Nasa kalagitnaan pa ako ng aking pag-kain nang makita kong parating si Señorito Miguel.
Kinakabahan ako. Siguradong papalayasin na naman ako nito. Yumuko ako at iniwasan ang tingin niya.
Nagulat naman ako ng lagpasan ako nito at dumeretso sa kitchen room. Binilisan ko ang aking pagkain at tumayo na. Bitbit ko ang aking baso na may orange juice at dumeretso na sa may pool. Dito na lang ako iinom dahil binilisan ko lang ang pagkain para iwasan si Señorito.
Malawak ang swimming pool nila. Nakakamangha. Sayang lang at hindi naman nagagamit. May nakapatong lang dito na parang net para siguro hindi mahulugan ng mga dahon. Puro puno kasi ang nasa paligid kasi katabi nito ay malawak na garden.
May taga linis dito sa garden. Tuwing umaga at hapon ay nakikita ko si Mang Simon na naglilinis at nag-didilig. Halatang alagang alaga ang mga halamang ito.
Naka-upo ako dito nakaharap sa pool at inuunti unting ubusin ang aking juice nang may marinig akong paparating sa bandang likuran ko.
“Mang Simon, ang galing po ninyo sa pag-aalaga ng mga halaman dito”. Wika ko at may kasama pang excitement kasi alam kong madami dami na naman kaming pag-uusapan ni Mang Simon.
“Anong Mang Simon? Hindi pa ako ganoon ka tanda!”
Agad akong napalingon at nanlaki ang aking mga mata sa nakita.