Chapter 11

1190 Words
MIGUEL POV Nagsimula na ang program. Lumabas na at nag- perform na ng talent si Kylie. Maraming mga pakulo at games ang mga hosts. Pasulyap-sulyap ako kay Belle. Mukhang nag-eenjoy naman ito. “Ang bongga ng party ng kapatid ni Kyle no?” Sambit nito na malapad ang pagkakangiti. Bahagya ko pang inilapit dito ang mukha ko kasi hindi ko na ito masiyadong marinig dahil sa ingay ng paligid. Masaya ang lahat. “Yes. Si kyline ang bunso kaya naman pinaghandaan nila ito”. Bulong ko sa tainga nito. Nakiki-palakpak pa kami ni Belle sa mga naglalaro sa stage. BELLE POV Halos magkadikit na ang mga mukha namin ni señorito dahil sa pagbubulungan namin habang nagtatawanan. Nadadala kami sa kulitan at pagpapatawa ng mga hosts ng program. Dahan-dahan kong ipinihit ang mukha nito paharap sa stage dahil halos mahalikan na ako nito sa lapit at hindi din inaalis pagkakatingin sa akin habang nakangiti. Lalong sumilay ang mga ngiti nito sa labi sa aking ginawa. Infairness sa labi nitong mapula hihi.. Mahirap na, baka matunaw ako? Nakaramdam na ako ng panlalamig. Mukhang binabaan ang aircon dito dahil medyo uminit nang nagsimula ng magtawanan ang mga tao. Dahilan na din sa nipis ng aking suot na dress at back-less pa ito, kaya siguro naramdaman ko agad ang panlalamig. Napayakap ako sa sarili ko at nakita yun ni señorito. Halos sa akin na kasi ito naka-tingin. Nag-kasundo kami for the first time sa topic ng kwentuhan dahil halata naman na pareho kaming masaya at nag-eenjoy. “Feeling cold?” Agad na tanong nito. Tumango lang ako at mabilis na itong umakbay sa akin at hinimas himas ang aking balikat papuntang braso para mainitan ng kaunti. Hinayaan ko lang ito sa kanyang ginagawa. Simpleng gesture niya lang ito pero para na akong pinaka-swerteng babae sa nararamdaman ko ngayon. Ipinilig nito ang ulo ko sa kanan niyang balikat at umayos ng upo para mas matakpan niya pa ang aking likod. Mag-jowa lang? Ayiiiiee haha kinikilig ako kay señorito. “Kayo na talaga!” Bati ng babae sa amin. “Inaagaw niyo ang atensiyon sa akin ng mga bisita ko ha”. Pag-rereklamo ni Kyline pero nakangiti ito. Picture taking na pala kaya ito nandito sa table namin. Isa-isa nitong pupuntahan ang mga table para magpa-picture at after naman ng picture taking ay naglalapag na ang mga waiter ng pagkain sa mga table. “Say cheeese!!” Agad naman kaming nagsingitian. “Happy Birthday.” Agad na bati ko dito. Si Kyline na ang unang humalik sa aking pisngi, “thank you.” Nakangiting sambit nito. Ang bongga talaga. Ang haba ng ball gown nito. Maganda din si Kyline at maputi. Anak mayaman talaga. Hindi ko maiwasang mamangha nanaman. “Mabuti at sumama ka ate kasi knowing kuya Migz, hindi yan aattend sa birthday ko”. Saad nto. Nginitian ko lamang ito. Kung alam lang nito na parusa ni señorito ang pagsama ko sa kanya dito pero nagustuhan ko naman at nag eenoy ako. “Wag ka nang madaming sinasabi, nandoon na ang gift namin sayo.” Sabay senyas ni señorito sa table na punong-puno ng regalo. “Yeah , I know. Kahapon pa dumating yung gift niyo. Thank you!!!” Muling pasalamat nito at nagpaalam na dahil pupuntahan pa nito ang ibang table for picture taking. Nagsimula na kaming kumain at para naman akong prinsesa kung asikasuhin ni prinsepe este! Ni señorito. Tumayo ako pagtapos kumain upang magtungo sa comfort room. Need ko rin mag-retouch ng kaunti habang hindi pa nag-start ang program. “Belle?” Tawag ni señorito na may pagtatanong sa guwapong mukha. “Mag-CR lang po ako”. Sagot ko dito. Agad itong tumayo at pinauna na akong maglakad. Sumusunod ito ngayon sa akin. Pambihira. Magbabanyo lang naman ako. Tsk. “I’ll wait you here”. Diretsong sabi nito. MIGUEL POV Josie? Anong ginagawa nito dito? Walang sinabi sa akin si Kyle na imbitado din ito. “Hi Migz, sabi ko na at dito kita makikita. Hmm..” Sambit nito sabay yakap sa akin. Tinanggal ko ang pagkakayap nito sa akin. “Are you drunk?” Tanong ko dito. “No, honey, kaunti lang”. Nakangiti nitong sambit. “Hey Josie. Wala nang dahilan para lumapit ka pa sa akin. Wala naman tayong relasyon noon pa at alam mo naman na nagkikita lang tayo kapag kailangan natin ang isa’t isa”. Mahaba ang paliwanag na binigay ko dito para tigilan na ako. “No, Migz. Hindi ako papayag!” Hinawakan agad nito ang aking mukha. Napalingon ako sa pinto na pinasukan ni Belle. Nag-aalala ako baka makita kami nito kaya hinatak ko si Josie palayo ng kaunti. “Stop Josie! Ito na ang huling pagkakataon na lalapit ka sa akin kung ayaw mong ipakaladkad kita sa mga body guards!” Pagbabanta ko dito. Nagulat ito sa sinabi ko dahil sobrang close talaga kami noon. Mukhang mag girlfriend kami pero alam namin sa isat isa na wala kaming relasyon. Hindi ako nag-kakagusto sa pa-sosyal na babae. Ang gusto ko yung simple lang pero kapag binihisan mo at mangingibabaw ang ganda sa lahat. 3rd PERSON POV: JACK “Where’s Migz?” Tanong ko ka Belle ng makarating ito sa table namin. “Hindi ko nakita eh”. Tanging sagot nito. Nagkatinginan na lang kaming mag-barkada. Nakita namin na magkasama sila pumunta sa comfort room at sumunod doon si Josie. “Ah ganun ba?” “Umiinom ka ba?” Tanong ko dito. “Uo naman!” Nakangiting sagot nito. “Belle, are you sure? Kami ang mayayari kay Migz kapag hindi ka pala umiinom?” Nagaalalang tanong ni Kyle. Kahit makulit ito ay napaka gentleman din nito sa babae lalo na at alam niyang karapat-dapat itong irespeto. Inabutan ko ito ng wine. “Ayan-.” Abot ko dito nang bigla itong tunggain at inumin ni Belle. “-sasabihin ko sana na tikman mo, e tinungga mo na!” Nagtawanan naman kaming lahat. “Ah sorry. Hahaha. Ganoon kasi kami uminom sa probinsya”. Masayang wika nito. “Ahh you are from what province?” Tanong ko. “Bicol”. Tipid nitong sagot. “Baka may mga friend ka doon na pwede mong ipakilala sa amin para magka-girlfriend na din kami katulad ni Migz?” Nang-aasar kong wika dito. Umiling iling lamang ito at nakangiti dahil sa binitawan kong biro. “Jack, ang tagal na wala pa din si Migz” bulong sa akin ni Mico. “Oo bro, kanina pa lumabas si Josie e,at parang na-basted ang mukha”. Sagot ko dito sa mahina ding tinig. Tumingin sa akin si Mico at tinanguan ko ito nang magkaintindihan kami na susundan niya doon sa comfort room si Migz. “Isa pa?” Baling ko kay Belle. “Sige” sagot nito. Inabot ko na dito ang wine. “Please, konti konti lang. Huwag mong tunggain at maaga kang malalasing. Lagot kami kay Migz”. Pag-papaalala naman ni Leo. “Nasaan na ba kasi yung tao na yun!” Tanong ko dito na kunyari ay hindi ko alam. Nag-kibit lamang ito ng balikat. “
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD