"Ayos na ako sa video at picture ng summer festival," sabi sa akin ni Venus. Anim na buwan na rin siyang nasa New York. Pagkatapos niya kasing maka-recover mula sa pagkaka-coma ay pinalipad na siya roon ni Tita. Pagkatapos ng mga nangyari halatang kahit na payagan na siya ni Tita Olivia ay hindi niya na rin gugustuhin pang bumalik dito sa Santiago. The silence ate the two of us. For a moment I though there is a problem in the internet connection. "Nakita ko sa ig ni Ate Margarette. Nandiyan din siya." Wala akong naging imik. Hindi ko kasi alam kung saan papunta ang pag-uusap naming 'to. My eyes widened upon remembering. Mabilis akong napatayo sa swivel chair at hindi na nga nagpaalam pa kay Venues. Iniwan ko lang ang laptap sa working table sa kuwarto. Hindi na ako nag-abala pang t

