Margaret Akari's Pov "Ms. Maki, kailangan na po nating umalis. 4:30 na po kasi baka ma-late ka po sa appointment mo with Mr. Zamora." Ranus let go of my hand. Tuluyan ko nang hinarap si Barrie. Nakayakap 'to sa kaniyang ipad na para bang may kung anong emosyong siyang ibinubuhos dito dahil hindi niya 'yon p'wedeng ipakita sa 'kin. Nahagip ng mata ko ang suot na relo ni Ranus nang tumingin ulit ako sa kaniya. "I need to go, Ranus. This is an important meeting. I can't cancell. P'wedeng umuwi ka muna sa tinutuluyan mo rito sa Manila tapos ako na lang ang pupunta sa 'yo kapag natapos ko na ang lahat ng schedule ko." "Or I can simply go with you." Namulsa 'to. "Barrie, right?" Tumango sa kaniya ang personal assistant ko na siyang secretary ko na rin. "Barrie Robles, Sir." "Okay, Barrie

