Hindi ko alam kung ano ang ini-expect kong makita pero isa lang ang malinaw. Nagulat ako nang mapagtanto na bata pa iyong bride. Siguro ay nasa seventeen lang 'yon o eighteen. "S-Siya talaga iyong ikakasal?" narinig ko na lang ang sarili na binubulong ang tanong na 'yon kay Polah na nasa kanan ko. Si Kourtney naman ay mas malapit kay Ronoka. Mukhang malapit din siya rito katulad nang pagiging malapit niya sa Lolo nito. Sinulyapan ako ni Polah sabay tanggo. I brought my eyes back to the ride. While I couldn't help but feel bad for her Ronoka herself looks excited. She is looking forward for the ceremomy. "Hindi ba't masiyado pa siyang bata para magsimula ng sarili niyang pamilya?" I asked. Aware naman ako na I sound so pakialamera pero para kasing hindi tama na magsi-settle down na siy

