"Here is our last stop then we can go home," I said after the waze app announced that we arrived at our destination. Nilingon ni Ranus ang mga boxes sa likod ng SUV. Iyong mga gamit kasi na nabili namin bilang dagdag decoration sa pinaplanong floating shelves sa may living room ay kami na ang mag-uuwi at hindi ko na pinasama pa sa shipping galing sa furniture store papunta sa unit gaya ng malalaking gamit na nabili namin. Pagkaparada nang ayos sa kotse ay dali-dali ko nang hinila papasok sa boutique shop si Ranus. Sa lahat ng furniture store na inikutan namin maghapon. Sigurado ako na ang lugar na 'to ang may pinaka-mahal na mga item. "Good evening, Ma'am bati ng security guard na nagbukas sa amin ng glass door. "Good evening po," bati ko pabalik. Si Ranus naman ay tahimik lang na na

