Nakailang kagat na rin ako sa hawak kong corndog. Nakakain naman ako nang maayos doon sa party kanina pero parang gutom na gutom pa rin ako. I aggressively took the last bite of my corndog. Hindi ko na maalala kung kailan ako huling nakakain nito. "Good old days. Iyong hindi ko kailangang mag-worry sa calories in take ko," sabi ko kay Xavier nang malunok ko na iyong huling kagat ng corndog. "Ngayon kasi bago ko kainin iyong pagkain kailangan ko pang i-calculate kung ilan ang calories non at kung pasok pa ba siya sa planned calories in take ko para sa isang araw." Dumapo sa aking mukha ang mata ni Xavier. Bigla itong tumawa kaya na-conscious ako at kinapa-kapa ang pisnge ko. "Akala ko ba hindi ka na makalat kumain?" he teased me. Napatulala na lang ako nang abutin ng daliri nito ang g

