Third Person's Pov Matapos nitong nakawan nang halik si Ranus ay halos hindi na magawa pang lumabas ni Margaret sa kusina, roon kasi ito tumakbo pagkatapos niyang gawin ang kababalaghan na 'yon kay Ranus. Mula sa one-sided glass wall na humahate sa may dining at sala ng mansyon, napakangalumbabang pinanunod ni Margaret ang kaswal na pag-uusap ni Uranus at Marcus. "Ms. Margaret---," sapo-sapo ang kaniyang dibdib dahil pakiramdam nito ay tumalon ang kaniyang puso paalis doon, nanlalaki ang mga matang nilingon ni Margaret ang pamilyar na kasambahay na gumulat na naman sa kaniya ngayon. On the second thought, maybe Margaret is too nervous that she gets shock and scared easily. "Napansin ko lang po na kanina n'yo pa palihim na tinitingnan si Señorito Ranus, crush mo po ba s'ya?" parang

