"Bakit naman ganiyan ang mukha mo? Sa true talaga iyong sabi-sabi na nakaka-haggard kapag nasa steady ng relasyon?" komento ni Hyacinth sa ekspresyon ni Robbie pero ang mga mata nito ay nasa akin. Para bang nagtataka siya kung bakit hindi ko pa kawangis si Robbie samantalang parehas kaming in a relationship. I heard the popping sound made by the bottle of red wine on Michael's hand. Nagsaling siya sa wineglass saka iniabot ito kay Robbie. "Lover's quarrel? Ano na namang issue sa inyo ng boylet mo---" Natigil sa pagsasalita si Hyacinth nang bigla na lamang humagulhol si Robbie matapos niyang ubusin sa isang lagukan iyong red wine. We will need more bottle of those, even harder, I think. "Game over," si Michael na ang nagsalita. Sa grabe ba naman kasi nang iyak ni Robbie siguradong-sig

