Tinanim ko na sa utak kong kailangan kong gumising nang maaga. Babawi ako kay Ranus. I'll prepare a simple breakfast for him. Kaya ko namang magluto ng simpleng pancake. Igagawa ko na rin siya ng blueberry tart. Before the clock when off at four am. I'm already wide awake. Hindi ko na nga hinintay pang tumunog 'yon. Bumangon na ako saka dumiretso sa walk-in closet ni Ranus. Ilang minuto rin akong nakatayo sa tapat ng mga button down nito bago lumapat ang kamay ko sa itim na trouser at navy blue na long sleeve. Bitbit pati ang napili kong sapatos para sa outfit na 'yon. Lumabas ako ng walk-in closet at ipinatong ang mga dala sa ibabaw ng sofa na ilang metro lang ang layo mula sa king-sized bed. Wala sa sariling naupo ako sa gilid ng kama. There were gleams of love all over my eyes as I

