"Kanina pa sa phone iyang fiance mo, a?" sabi ni Kuya Marcus. Pinatawag siya sa opisina nila rito sa Manila at may ilang araw pa siya rito bago siya muling ma-deploy sa susunod nilang mission. I glance at the terrace where Ranus is standing. His hand against the rail and back facing us. "Si Venus ang kausap non. He is checking on her. Mag-isa lang kasi siya sa Santiago ngayon. Nasa business trip ang parents niya." Pabalik na ang atensyon ko sa aking cellphone nang makita ang pagngisi ni Kuya. Animo'y may bigla na lang 'tong naisip. Saka ko lang naalala na parang may gusto rin siya kay Venus. "She is in a relationship with Ariz. Give it up," I said softly. "Alam ko." I push the on/off racker of my phone and then lean my body to his direction. "Alam mo? Paanong alam mo? Nagsabi siya sa

