Margarette stretched her arm and raise her head a bit. Akala ko ay tuluyan na nitong imumulat ang mga mata. Iyon pala ay magbabago lang siya ng posisyon sa braso ko. Mas nilapit niya ang mukha sa aking dibdib. I even felt her sniff my scent. Nahuli ko ang pagngiti nito habang ang mga mata ay nakapikit pa rin. Sinuklay ko ang buhok nito gamit ang aking daliri. "Hmm?" she murmured. "Hindi ka pa ba nagugutom?" Margarette opened her eyes to met mine. Sinabit niya ang braso sa ibabaw ng aking bewang. "Anong oras na? Ang haba ng tulog ko. Lampas dinner na siguro." Bumangon ako nang kaonti para kunin iyong phone sa nightstand. "Almost one am. Fifteen minutes na lang." Margarette move closer to me and bury her face on my chest. Hahayaan ko na sana 'tong matulog ulit sa bisig ko nang kumulo a

