Tumabi sa akin si Michael. Alas kuwatro na ng madaling araw rito. Dapat ay natutulog na ako dahil may photoshoot pa kami ni Xavier para sa article na ilalabas ng Chanel pero heto ako ngayon. Hindi makatulog at namumugto pa rin ang mga mata kakaiyak dahil sa naging pag-aaway namin ni Ranus. This is our first serious fight kaya sobrang affected ko. Hindi lang talaga ako sanay na hindi namin nauunawaan ang isa't isa—or more on hindi niya ako inunawa sa pagkakataong 'to. "Mali bang sumama ako kay Xavier?" tanong ko kay Michael. Napakamot ito sa kaniyang batok. "Hindi naman. Hindi naman sana mauunahan ng galit si Ranus kung hindi niya nakita iyong picture niyo ni Xavier na p-parang nagdi-date habang nag-aalala siya. Wala kasing nakakaalam kung saan ka nagpunta pag-alis niyo sa party." I wip

