Hindi na ako nakauwi pa ng bahay. Maagang tumawag sa akin si Kuya dahil pagbalik niya ng condo ay hindi niya ako naabutan. Mabuti na lang at talagang nasa gym na ako nung mga oras na 'yon para mag-workout kasama sina Robbie at Hyacinth. We're currently waiting for Michael. May good news daw siya para sa akin. Sinubukan kong manghingi ng clue para naman magkaroon ako ng idea tungkol saan 'yon pero binaba niya na iyong tawag. "Do you think it's about my wedding gown? Baka may dinagdag siyang detail?" I said while opening my hydro flask. Kakababa ko lang sa treadmill. "Hindi siguro. Kung tungkol sa gown yon. He would ask us to come in his studio and show it to us in flesh. Parang mas importante pa kesa sa wedding gown kasi parang nagmamadali siya na pumunta rito," anas ni Robbie. "T

